^

PSN Showbiz

Mga kaeksena sa bagong show nai-intimidate kay Claudine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

“It’s funny how people see me na nakaka-intimidate makaeksena,” sagot ni Claudine Barretto sa nalamang nag-i-effort ang mga kasama niya sa Iglot na masabayan siya sa acting para hindi niya mapag-iwanan.

“I don’t stop learning, up to now, nag-a-acting workshop pa rin ako at bago kami mag-start ng taping, nag-workshop ako kay Ms. Beverly Vergel. Hindi ko sinasadya mang-intimidate ng kapwa artista,” dagdag pahayag ni Claudine.

Sigurado si Claudine na manonood ang mga anak na sina Sabina at Santino sa Iglot dahil pambata at maaga ang time slot (after 24 Oras), ipaliliwanag niya sa mga bata na daya lang ang kissing scene nila ni Marvin Agustin. Mapapanood ang kissing scene nila sa pilot episode sa Monday at kinunan ni Direk Gil Tejada sa first day taping at first scene niya.

Direk Paul pakakasalan na si Toni after October

Marami ang nainggit kay Toni Gonzaga sa mga sinabi ni Direk Paul Soriano sa guesting nito sa The Bottomline ni Boy Abunda to promote Thelma.

Sabagay, sa presscon pa lang ng Thelma, may mga nakakikilig ng statement si Direk Paul. Isa rito’y ang sinabing he’s faithful to everybody at kasama na roon ang pagiging faithful kay Toni.

Heto pa, sabi nito, “I’m turning 30 in October, definitely in my 30s there’ll be settling down.”

So, malapit nang maging Mrs. Paul Soriano si Toni.

Nabanggit ni Direk Paul na pinili niya ang cast ng Thelma na showing sa Sept. 14 at idi-distribute ng Star Cinema. 

Kris wala nang kawala kay Jay

Kasama si Kris Bernal sa na-acknowledge ni Jay Perillo sa kanyang self-titled album under Viva Records. Kilig-kiligan tiyak ang aktres sa sinulat ni Jay na, “Thanks to Kris B for keeping me inspired.”

Bukod sa acknowledgement, ang carrier single ng album na Nakatanim at ang When I Saw You ay sinulat niya para kay Kris. Hindi na siya magdi-deny na love niya ang dalaga at kaya lang siya nag-deny dati bilang respeto sa love team nito at ni Aljur Abrenica.

Ligo Na U…Para Kay Joseph

Nagpapagaling pa rin si Joseph Bitangcol at namamaga pa ang mukha after operahan ang panga. Hindi pa rin ito makapagtrabaho, kaya tuluy-tuloy ang tulong sa kanya ng mga kaibigan. Magkakaroon ng special benefit screening ang Ligo Na U, Lapit Na Me sa Sept.1, sa UP Film Center, 5 p.m. and 7 p.m.

Ibibigay kay Joseph ang kikitain sa benefit screening na tinawag na Ligo Na U…Para Kay Joseph para sa pagpapagamot nito.

ALJUR ABRENICA

BOY ABUNDA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DIREK PAUL

KAY

LIGO NA U

PARA KAY JOSEPH

THELMA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with