Maria Aragon magpapatulong mag-promote ng album kay Lady Gaga
MANILA, Philippines - Naghahanap ng paraan si Maria Aragon, ang eleven-year-old Filipino-Canadian singer na sumikat sa cover song ni Lady Gaga na Born This Way para magpatulong sa promo ng kayang debut album under Star Records sa international singer.
Sa kanya kasing pagtungtong sa Pilipinas at pagpirma ng kontrata sa Star Records, nagkaroon na agad ng launching ang kanyang first album na naglalaman ng Born This Way bilang kanyang carrier single kasama ang mga kantang You’re My Home, I’d Like to Teach the World to Sing, Follow Your Dream, Can’t Smile Without You, Kung Bubuksan Mo Lang Ang Puso, at One Hope, One Dream.
“Well if there’s a way, it would really help a lot and it would be really cool if we got in touch with her, why not?” sabi niya sa launching ng kanyang album kelan lang.
Nauna na niyang ini-announce ang nasabing recording contract niya sa Star Records sa Twitter.
“Thank you for everybody’s support and love. Because of you I am now here in the Philippines and signed under Star Records!” sabi niya sa kanyang Twitter account.
Malakas na ang level of awareness kay Maria simula nang pumatok siya sa YouTube habang kinakanta ang Born This Way.
Nakatawag pansin pa nga siya sa malalaking show sa America - The Ellen DeGeneres Show sa Los Angeles at Good Morning America sa New York.
Maging ang British Royal Couple na sina Prince William at Kate Middleton kasama ang mahigit 300,000 na katao sa Canada Day celebration ay kinantahan niya.
Anyway, magkakaroon ng mall tour si Maria - SM Mall of Asia sa Agosto 28 at SM Megamall sa Setyembre 4.
Ang digital format ng tracks sa kanyang album ay maaring madownload sa www.starrecords.ph
- Latest