DZXL may mga bagong programa

MANILA, Philippines - Ang DZXL 558 ay maglalabas ng mga bagong programang pampubliko para mas makatulong sa mga tagapakinig sa Mega Manila at sa mga kalapit na probinsiya.

Sa ilalim ng kampanya ng AM station na Han­dang Tumulong sa ’Yo, ang apat na flagship prog­rams ng DZXL ay Unang Radyo Unang Balita, Ban­tay OFW, Ito ang Batas, at Alarma 558.

Ang Unang Radyo Unang Balita ay tuwing 4-6 a.m., Lunes hanggang Biyernes, sa ilalim ng DZXL station manager na si Buddy Oberas at program director na si Weng dela Peña. Dito maririnig ang mga news updates, lagay ng panahon, trapiko, at iba pang impormasyon na gustong malaman ng mga nakikinig sa umaga pa lang.

Ang Bantay OFW ay programa ng head ng Ople Labor Policy Center na si Usec. Susan “Toots” Ople at ang bagong senador na si Aquilino “Koko” Pimentel III. May libreng konsultasyon dito tungkol sa mga problema ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kung may mga trabahong naghihintay. Naririnig ito mula alas-diyes hanggang alas-dose ng tanghali, Lunes hanggang Biyernes.

Ang Ito ang Batas ay tuwing 4-6 p.m. ng weekdays, at iho-host ni Atty. Aga Arellano kasama si Atty. Shayn Ilano at Dean Sol. May libreng legal assistance sa kanila.

Ang Alarma 558 ay 9 p.m. hanggang 12 midnight at ang anchor nito ay si Tony Arevalo. Crime watch at emergency assistance naman ang serbisyo ng programang pang-gabi. May nakaantabay na ambulansiya at mga barangay tanod ang handang tumulong sa mga taga-pakinig.

Kabilang sa pagdiriwang sa ika-59 anibersaryo ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Aug. 28 ang paglulunsad sa mga bagong programa ng DZXL na sinimulan ng founder ng istasyon na si Don Henry Canoy.

Abangan din ang public service (may medical, dental, livelihood seminar, atbp.) sa mga RMN FM stations.                                

Show comments