^

PSN Showbiz

Kalagayan ng mga buhok pag-uusapan

-

MANILA, Philippines - May kasabihang ang buhok (hair) ay ang crowning glory ng mukha. Kaya naman maraming babae at lalake ang nagsisikap na magkaroon ng bagong anyo sa pamamagitan ng pag-aayos at pangangalaga nito.

Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-onse ng umaga sa GMA News TV ay dapat tutukan ang iba-ibang paksa tungkol sa ating buhok.

Sa Hairlines segment ay idedemo ni Mader Ricky ang Recurl na pinakabagong serbisyo sa kanyang mahigit 40 salon all over the Philippines. Pati na ang iba’t ibang paraan ng pag-aayos ng recurled hair ay ibibigay din ng beauty guru.

Sa Hair Crimes ay ipakikita ang maraming dahilan kung bakit ‘di natin sinasadyang masira ang ating buhok. Magbibigay pa ng dapat gawin para malunasan ito.

Sa Showbiz Hairlines ay guest si Jennifer Sevilla na tatalakayin naman ay hair extension na tiyak na nagbibigay ng bagong anyo sa kanyang mga kapwa-artista.

Sa Hair Myths ay ilalahad ang mga pamahiin tungkol sa buhok tulad ng – huwag ka raw matutulog na basa ang buhok dahil mabubulag ka at huwag ka raw magpapagupit ng buhok kapag Biyernes Santo dahil mamalasin ka.

Lahat ito sa LSWGRR na handog ng ScriptoVision at isa sa mga sinusubaybayang programa ng GMA News TV tuwing Sabado.

BIYERNES SANTO

BUHOK

GANDANG RICKY REYES

JENNIFER SEVILLA

LIFE AND STYLE

SA HAIR CRIMES

SA HAIR MYTHS

SA HAIRLINES

SA SHOWBIZ HAIRLINES

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with