^

PSN Showbiz

Kathryn at Julia, mga anak ng artista ang makaka-partner!

- Veronica R. Samio -

Mga bagong kabataang lalaki naman ang tatangkain ng ABS-CBN na gawing kapareha nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa bagong prog­ramang pambagets na magsisimulang mapanood sa TV simula September 4. Sila’y sina Die­go Loyzaga para kay Kathryn at Daniel Padilla para naman kay Julia. Parehong produkto ng mga artistang mga ma­gulang ang dalawa. Anak si Diego nina Cesar Mon­tano at Teresa Loyzaga, samantalang, sina Karla Estrada naman at Rommel Padilla ang ma­gulang ni Daniel. Halos magkakaedad ang apat na ang edad ay ranging from 15 to 17 years.

Hindi lamang ang dalawang parehang ito ang magiging tampok sa bagong palabas ng Dos, mayroon pang dalawang pareha silang makakasama, sina Kiray at EJ Fallurin at Neil Coleta at Yen Santos. Bubuuin nila ang pinakabagong barkadahan sa telebisyon sa kanilang pagganap ng role ng mga magkaka-iskwela na magtatangkang tulungan ang kanilang paboritong teacher na may malubhang karamdaman. Si Maricar Reyes ang gumaganap sa role ng teacher na si Ms. Lisa Ortega. 

Sa ilalim ng direksiyon ni Lino Cayetano na hindi ko talaga nakilala nang samahan siya sa mesa namin ng isa sa PRO ng ABS-CBN na si Aaron Domingo sa presscon ng Growing Up. Ipinaputol na niya ang mahaba at kulot niyang buhok. Napaka-clean cut ng itsura. With his cropped hair, para lang siyang isang normal na lalaki na guwapo at tisoy. With his old hairstyle, he looked cool.

Walang paborito si Direk sa walo niyang bida at flag bearer ng bago niyang bagets show. Pantay-pantay ang mga roles nila pero kahit magbabarkada, may point of view palagi na galing kina Kathryn at Julia na kinailangang ma-refresh muna pagkagaling sa isang mabigat na palabas na tulad ng Mara Clara. Pinapagpahinga muna sila. Kaya hindi nakapagsimula agad ang Growing Up.

Sa walong bagets, hindi siya binigo ni Kiray. Scene stealer ito even without meaning to “Very confident siya since Mga Anghel na Walang Langit Pa,” sabi niya.

Kailan lang nagbalik ng bansa ang guwapong director na tinapos ang kanyang pag-aaral sa Amerika. Pagdating niya ay agad siyang isinabak sa Growing Up na gusto niya dahil sa TV muna niya gustong mag-focus kaysa sa movies. Enjoy siyang makipagtrabaho sa mga bagets bagaman at sinabi rin niya na nagbabalak siyang gumawa ng indie films for the growth of his career.

Pati simbahan pinupuri ang 100 Days...

Hindi lamang sa mga columns sa entertainment pages pinapaksa ang 100 Days to Heaven, pinag-usapan din pala ito maging sa simbahan. Sa kolum ng isang tanyag na kritiko, sinulat niya na sa isang sermon, sinabi ng pari na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga tao ang buhay ni Anna Manalastas, bida sa serye at ginagampanan nina Coney Reyes at Xyriel Manabat, na pilit na itinatama at binabago ang lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa nung siya ay nabubuhay pa, matapos mabigyan ng pangalawang pagkakataon ng taga-bantay ng langit.

Bukod sa tinatamasa nitong papuri, hindi rin natitinag ang 100 Days to Heaven bilang number one show sa bansa.

Psalmstre papasukin na rin ang Indie Films

Madaragdagan na naman ang mga indie films producers natin. Papasok sa paggawa ng mga ganitong pelikula ang Psalmstre, gumagawa ng mga produktong New Placenta na pinamamahalaan ng pangulo nito at CEO na si G.Jaime Acosta.

Mga discovery ni G. Acosta na nag-e-endorso ng kanyang mga produkto ang bubuo ng cast ng gagawin niyang pelikula. Bagaman at mga baguhan pa sila, sinanay sila ng CREWorks Asia, isa pa ring affiliate ng Psalmstre Enterprises, Inc. na nagpapakadalubhasa sa PR Consultancy, Special Events. Ang mga lead roles ay gagampanan ng mga completely new stars pero sasamahan sila at susuportahan ng mga kilala at magagaling na senior stars.

Samantala, katulad ng matagal ng gawi ng Psalm­stre in the past, makikiisa ito sa pagdiriwang ng Kagay-an Festival sa Cagayan de Oro.

Ang Psalmstre ay nakiisa na rin sa Sinulog sa Cebu, Panagbenga sa Baguio, Maskara sa Bacolod at Kadayawan sa Davao.

AARON DOMINGO

ANG PSALMSTRE

ANNA MANALASTAS

CESAR MON

CONEY REYES

DANIEL PADILLA

GROWING UP

INDIE FILMS

JAIME ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with