^

PSN Showbiz

Human trafficking sa bansa, bubusisiin ni Ted Failon

-

MANILA, Philippines - Talamak na ang bentahan ng laman sa ating bansa at bilang tugon, raid ang kadalasang isinasagawa ng kinauukulan. Pero ano nga ba ang nangyayari pagkatapos ng raid?

Aalamin ni Ted Failon kung sapat na nga ba ang pangre-raid na ginagawa ng mga pulis sa mga bahay aliwan para puksain ang problema sa human trafficking sa bansa ngayong Sabado (Aug 27) sa Failon Ngayon.

Titiktikan ng batikang broadcast journalist kung napapasara nga ba ang mga establisyamentong kumakalakal ng laman o nakakapag-operate muli ito matapos ang pansamantalang pagsasara.

Ayon sa www.humantrafficking.org, ang Pilipinas ang pinanggagalingan, dinadaanan, at ang destinasyon ng mga biktima ng human trafficking.

Maging bahagi ng solusyon at aksyon sa Failon Ngayon, 4:45 p.m.

Bago iyan, samahan muna si Julius Babao sa kanyang pagbusisi sa pag-aari ng motorsiklo ng mga Pinoy at kung paano ito nakakadagdag sa bilang ng aksidente at krimen sa bansa.

Tunghayan ang buong report sa dokumentaryong Motorsiklo sa ABS-CBN News and Current Affairs Special Report, 4 p.m. ngayong Sabado (Aug 27) sa ABS-CBN.

AALAMIN

AYON

FAILON NGAYON

JULIUS BABAO

MOTORSIKLO

NEWS AND CURRENT AFFAIRS SPECIAL REPORT

PERO

PILIPINAS

SABADO

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with