MANILA, Philippines - Matapos tanghaling Biggest Loser of the Week ang bar owner na si Art Mendoza, siya na kaya ang unang Bigating Pinoy na makakapagbawas ng 100 pounds sa The Biggest Loser Pinoy Edition?
Siyam na pounds na lang ang kailangang bawasin ni Art upang maabot ito. Ngunit, mahigpit na katunggali rin niya rito ang 31-year old na si Ryan, na nakapagbawas na ng kabuuang 92 pounds sa loob ng camp.
Mula 341 pounds, 250 pounds na lang ang timbang ni Art ngayon, matapos magbawas ng kabilib-bilib na ten pounds ngayong linggo. Nakapagbawas na ng kabuuang 91 pounds simula nang pumasok siya sa camp.
Samantala, walang pinauwi ngayong linggo matapos magbawas ang nalalabing pitong contestants ng kabuuang 36 pounds, lagpas sa minimum required group weight loss na 30 pounds.
“Ito na ang pinakamasayang naging kaarawan ko,” pahayag naman ng nagagalak na si Winwin.
Ngayong linggo naman, haharapin nang natitirang Bigating Pinoys ang isang cook-off, Energizer challenge, at isa pang temptation.
Ang kakain ng pinakamaraming macaroons at kwek-kwek ang makakakuha ng immunity sa susunod na elimination. Maaakit kaya sila ng mga ito?
Samantala, ang second placer ay magkakaroon ng kapangyarihang makapili ng pairings ngayong linggo. Tiyak na sisikapin ng contestants ang pagpapapayat dahil timbang na ng bawat duo ang susukatin sa susunod na weigh-in.
Sino kaya ang susunod na contestant na matatanggal? Abangan ang The Biggest Loser Pinoy Edition pagkatapos ng Guns and Roses sa ABS-CBN.
Samantala, nagpakita na ang host ng The Biggest Loser na si Sharon Cuneta sa story conference ng gagawin niyang pelikula sa Star Cinema.
Ayon sa interview ng ABS-CBN.com, nagbawas lang siya ng carbo intake at wala talagang particular na program ang kanyang diet kung saan halos 20 lbs ang nabawas sa kanyang timbang.
“Ano lang talaga I cut out as much as carbo as I could. Wala akong set na diet, it’s really a mixture. I have a cousin who’s kind of a health buff so she tells me na ganito ganyan tapos, hinahalo ko sa ibang diet na na-try ko na, aba nag-work naman,” pagtatapat ni Mega sa nasabing interview.
“More than (20 lbs. na ang na-lose) I’m not finished yet. Siguro another 20 I will be fine,” dagdag niya.
Natulungan din daw siya ni Judy Ann Santos sa nasabing diet.
“Yes my sister she also helps me sometimes kapag naglalambing ako gagawan niya ako ng meal na masarap, pero usually just 3 meals a day, no rice, no bread, no nothing, no happiness. Pero sandali lang naman after that puwede ka na ulit,” dagdag niya.
Babalik na sa paggawa ng pelikula si Mega at gugulatin niya ang lahat paglabas sa programa niyang sinabayan niya pala ang pagpapayat.