Loveless sa ngayon ang My Binondo Girl star na si Kim Chiu pero marami ang nagpaparamdam.
Inamin ni Kim na handa na siyang muling umibig kapag dumating ang guy na muling magpapatibok ng kanyang puso. At habang hindi pa ito dumarating, focused muna siya sa trabaho at natutuwa siya na sunud-sunod pa rin ang dating sa kanya ng magagandang projects tulad nitong My Binondo Girl na unang tambalan nila nina Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidicelli.
Andiyan din ang gagawin nilang pelikula ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Tilian sa Tweens unexpected
Alam mo, Salve A., hindi ko akalain na ganun pala kalakas ang following ng mga teenstars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes, Alden Richards, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Yassi Pressman, at si Elmo Magalona nang kami’y dumalo sa premiere showing ng pelikulang Tween Academy: Class of 2012 na ginanap sa Cinemas 9 & 10 ng SM Megamall nung nakaraang Sabado at nagbukas sa mga sinehan nationwide kahapon Miyerkules, August 24. Ang nasabing pelikula ay dinirek ni Mark Reyes.
Ito’y co-produced ng GMA Films at SM Development Corporation (SMDC).
DZXL 59 years old na
Sa imbitasyon ni Kuya Mar de Guzman Cruz, dumalo kami sa launching ng mga bagong public service programs ng DZXL 558 ng RMN para sa kanilang ika-59th founding anniversary na ginanap sa ika-apat na palapag ng Guadalupe Shopping Complex sa Makati kung saan matatagpuan ang malaganap na mga programa ng nasabing long-running AM station. Dito namin muling nakita ang mga respetado at veteran radio broadcasters tulad nina Bobby Guanzon, Mario Garcia, Ely Saludar at Jake Maderazo bukod pa sa ibang radio anchors tulad nina Weng dela Peña, Buddy Oberas, Sen. Koko Pimentel, Usec. Toots Ople, Atty. Aga Arellano, Dean Sol, Atty. Shine Ilano, Ka Tony Arevalo at maging ang actor-politician na si Dennis Padilla (na siyang nag-host ng event) at ng kanyang ka-partner sa Eat All You Can na si Grace Vergel Mariano. Naroon din siyempre si Kuya Mar ng Showbiz Power, Roderick Marcelino, Tere Gonzales, Celso Manuel, Mikel Rogas, Lourdes Paet, Rey Nadar, Lady I, Rambo Labay, at iba pa.
Si G. Buddy Oberas ang tumatayong Station Manager, OIC at si G. Weng dela Peña naman ang Director, Network Programming Creative Center.
Samantala, bago kami umalis, inamin sa amin ni Dennis Padilla na three years na umano ang kanyang relasyon sa bago niyang sweetheart matapos mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng actress-turned politician na si Marjorie Barretto.
Beverly Vergel tagumpay ang sariling kumpanya
Ang actress na si Beverly Vergel ang pangulo ng ACIATEAM, isang training, events, at management company na kanyang itinatag nung February 2010. Ang kumpanya ay isang stop shop service hub para sa production, talent training, at management.
Matagal-tagal ding panahong naging Artist Training Manager/Director si Beverly ng ABS-CBN Talent Center. Bukod sa pagiging actress, naging acting coach din siya ng maraming artista bukod pa sa kanyang pagiging assistant director, writer/script consultant/director, at supervising producer. Ang kanyang malawak na karanasan sa produksiyon ay produkto na rin ng kanyang walang tigil na pag-aaral.
Kring-kring ayaw pang mag-gobernador
Although may mga lumutang na balita na siya’y kakandidato sa pagka-governor ng Leyte, ito’y personal na pinabulaanan ng actress-businesswoman-turned actress na si Kring-Kring Gonzales-Romualdez dahil gusto niyang tapusin ang kanyang termino sa pagka-konsehal ng Tacloban kung saan din mayor ang kanyang mister na si Alfred Romualdez.
Samantala, ibinalita sa amin ni Kring-Kring na bukas na ang Tacloban Branch ng Patio Victoria na ang main branch ay matatagpuan sa may Intramuros, Manila.