Carla nakatikim ng kastigo!

Nabalitaan ko lang ang exchange of words na nangyari sa pagitan nina Carla Abellana at Mario Bautista pero may nagsabi sa akin na naka-post na sa YouTube ang videoclip nang nangyari sa presscon ng My Neighbor’s Wife.

Hindi ko alam ang puno’t dulo ng pangyayari pero matagal ko nang kilala si Papa Mario. Between him and Carla, sa kanya ako kampi dahil hindi basta magre-react si Papa Mario ng walang dahilan. I am very sure, na-offend siya sa nilalaman ng e-mail na ipinadala sa kanya ni Carla.

Aral kay Carla ang nangyari. Bago siya mag-react, alamin muna niya kung saan nanggaling o saan ibinase ni Papa Mario ang column item nito tungkol sa kanya. Puwedeng maganda ang motibo ng young actress pero hindi niya inisip na mabuti ang mga salita na ginamit niya sa kanyang e-mail.

Kesa magpadala ng sulat o e-mail, kinausap na lang sana niya ng personal si Mario para nagkaintindihan sila. May nagkuwento sa akin ng content ng e-mail ni Carla para kay Papa Mario kaya hindi natin ito masisisi sa pagkastigo na ginawa niya sa anak ni Rey Abellana.

Hindi sinasadya, nasapawan si Carla

Hindi naiwasan na ikumpara si Carla kay Lovi Poe, ang co-star niya sa My Neighbor’s Wife. In fairness kay Lovi, marunong siya na mag-thank you sa press people at naa-appreciate niya ang tulong sa kanya ng mga reporters.

Ang sabi nga ng mga nakapanood ng trailer ng My Neighbor’s Wife, nagpakita uli si Lovi ng husay sa pag-arte at hindi sinasadya na nasapawan niya si Carla.

Ganyan din ang nangyari sa Temptation Island dahil ang performance ni Lovi ang napansin at pinag-usapan.

Tinotoo, Jake at Lovi natangay sa lovescene

May magselos kaya sa kuwento na “nadala” sina Jake Cuenca at Lovi sa kissing scenes nila sa My Neighbor’s Wife? Insider ang source ng kuwento na masyadong passionate ang kissing scene ng dalawa kaya natangay sila.

Si Jun Lana ang direktor ng My Neighbor’s Wife. Award-winning writer si Jun bago ito na­bigyan ng break bilang direktor at bilang writer, alam niya kung paano kikilitiin ang imagination ng mga moviegoers. Siya ang may idea sa mga daring scenes nina Lovi at Jake sa coming soon movie ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde na hindi na dapat mag-worry dahil biglang umingay ang kanyang pelikula. Thanks to Carla and Papa Mario.

‘Ipinapangako ko sa sarili na hindi na ako manonood ng teleserye’

Ipinangako ko sa aking sarili na hindi na ako manonood ng mga teleserye dahil ayoko nang mapuyat. Nagbago ang sleeping habits ko dahil sa pagsu­baybay ko sa Minsan Lang Kita Iibigin at dahil nagwakas na ito, hindi na ako manonood ng mga drama series sa gabi.

Mula nang mag-the end ang Minsan Lang Kita Iibigin, bumalik na uli sa 8:00 p.m. ang pagtulog ko. Hindi gaya dati na alas-onse na, gising pa ako dahil ayokong ma-miss ang bawat episode ng aking favorite drama show.

Cobonpue nakakita ng kakampi

Mabuti na lang, may isang tulad ni Sen. Manny Villar na handang tumulong sa problema ni Kenneth Cobonpue at ng mga Filipino furniture designers na hindi sinusuportahan ng ating gobyerno.

Sikat na furniture designer si Kenneth sa buong mundo at siya ang nanguna sa paglapit kay Papa Manny para iparating ang reklamo ng mga mahuhusay na Pinoy furniture designers.

Totoo ang sinabi ni Kenneth na maraming Pilipino ang higit na magaling sa creative design pero nawawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno ng Pilipinas. Nabuhayan ng loob si Kenneth at mga Pinoy furniture designers dahil sa ipinangako na suporta ni Papa Manny.

Nakarating na ako sa Bangkok, Indonesia, at Malaysia. Nakikita ko sa mga malls na pinupuntahan ko ang iba’t ibang design ng mga kagamitan na ibinebenta sa mga nasabing bansa at maipagmamalaki natin na ’di hamak na mas magaganda ang mga furniture na creation ng mga Pinoy.

Show comments