MANILA, Philippines - Simula pa 1998, ang Center for Arts ay aktibong nagbibigay ng mga workshops sa music, dance, acting, at pati na rin sa performance art.
Sa kasalukuyan, may isang bagong programa ang Center for Arts na nagbibigay ng libreng pagsasanay. Ang Society of Singers ang nakatokang magbigay ng free workshop ngayong taon para sa kategoryang voice, dance, and acting.
“We’re not merely thinking or focusing on let’s say making it big in Hollywood or Broadway or local show business. This is a holistic approach in the sense that we are training and teaching students to be the best in their chosen art field. So whether you envision yourself performing on a big stage or you basically just prefer a modest platform to show your talent, sa amin parehas lang ’yan. What we want is for you to be the best, and for you to feel proud and confident with your talent,” sabi ng founder ng Center for Arts na si Jerome D. Vinarao, na isa rin sa mga instructors.
Ang libreng workshop ay bukas para sa edad na anim hanggang 75 years old pero inaasahang magko-contribute ng P200 para sa mga materyales na gagamitin sa buong pagsasanay. Kailangan ding magdala ng 1x1 o 2x2 ID picture. Ang deadline sa pagpaparehistro ay Aug. 28.
Magsisimula ang mga klase sa September, weekend schedules lang, ng 10 a.m. hanggang 1 p.m. (kids) at 2 p.m. hanggang 5 p.m. (adults).
Welcome rin ang mga may special needs (autism, down syndrome, cerebral palsy, atbp.) o disabilities. Para sa mga detalye, kontakin na lang ang 0915-3597749, 569-5310, at 0933-4710521 sa office hours na 9 a.m. hanggang 6 p.m.