Dahil sa kaartehan, komedyante natakot mademanda

Grabe palang mag-power trip ang isang ko­me­­d­­­­yante.

Minsan daw meron itong show sa abroad. At dini-demand niyang isama ang kanyang personal assistant dahil paano raw siya kung wala ang PA niya. Ang kaso, hindi nabigyan ng visa ang kanyang dakilang PA. So nagbanta siya sa producer ng show sa abroad na hindi siya si­sipot dahil wala siyang kasama.

Sa inis daw ng pro­du, sinabi nitong ok lang. Wag siyang sumipot. Pero ipinadala sa ko­med­yante ang kontrata nila at oras na hindi siya sumipot, demanda ang aabutin niya.

Ayun sa takot daw ng komedyante na mademanda, umalis siyang mag-isa.

“Kaya naman pala niya, umarte-arte pa siya,” maik­sing dialogue ng source na imbyerna na sa ginawa ng komedyante kamakailan lang.

Nagpipirata sa premiere night ng Tween Academy nahuli!

Kahit naman pala hindi una sa billing ang pangalan nina Barbie Forteza and Joshua Dionisio, sila ang talagang bida sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012. Bukod sa kanila, bidang-bida rin ang loveteam nina Louise delos Reyes and Alden Richards. Hindi rin siyempre nagpaiwan sina Bea Binene and Jake Vargas.

Si Elmo Magalona ay maganda rin ang exposure.

Kahit naman ang ibang tween stars may kanya-kanyang moment. ’Yun nga lang talagang sina Bar­bie, Joshua, Louise, Alden, Bea, and Jake ang mga bida.

Hindi naman kahabaan ang role ni Sam Pinto pero pansin naman siya as remedial teacher ni Elmo.

Kilig-kiligan ang pelikula at siguradong maraming bagets na makaka-relate. Mga bagets na nabubuhay sa Internet.

Pang-high school ang movie kaya susugurin ito ng mga fans ng tween stars.

Ay wait, sa ending ng pelikula lumabas si Julie Anne San Jose na siyang naging last frame kasama si Elmo. Pero ang napansin ko lang, parang hindi sila masyadong bagay. Ang cutie ni Elmo. Si Julie Anne kasi very Pinay ang beauty at parang hindi sila magkasing-edad sa screen sa true lang.

Siguro kailangan ng stylist ni Julie Anne para mas bumagay silang dalawa.

Anyway, magsisimulang mapanood bukas Wed­nesday ang Tween Academy under GMA Films and SMDC.

Speaking of Tween Academy na nagkaroon nga ng premiere night last Saturday night, naging alert ang security ng Cinema 9 and 10 ng Megamall dahil may nakita silang nasa audience na nagri-record habang ongoing ang screening.

So, lahat ng may hawak na cell phone ay nilalapitan para i-check dahil baka nga naman mapirata agad ang launching movie ng mga tween stars.

May isang nahuli na nagri-record.

John Lloyd at Sarah nagkaayos na

Waging-wagi ang production number ng Kanto Boys kasama ang bagong tatag na Kanto Girls na binubuo nina Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Maja Salvador and Anne Curtis.

Ang saya at super cute ang production number nila sa ASAP Rocks last Sunday.

First time din uli na nagsama sa production number sina Sarah at John Lloyd Cruz after ng mga intri-intriga.

Andun pa rin talaga ang kilig sa kanila at kakaiba ang chemistry nila kahit alam ng lahat na si Shaina Magdayao ang girlfriend ng actor.

May balitang gagawa ng pelikula ang Kanto Boys at sana silang Kanto Girls na lang ang isama dahil siguradong super blockbuster.

Show comments