Parang hindi bagay sa macho actor ang pagiging sobrang tsismoso. Kuwento ng isang source, showbiz gossip ang nagiging hilig ng aktor ngayon kaya iniilagan na siya ng ilang kakilala niya.
Tsika pa ng source, minsan kunwari ay hindi nakikinig ang aktor pero all ears siya sa mga nagtsitsismisan. Kaya ang warning ng source, ‘wag magdididikit sa macho actor dahil baka itsismis kayo nito sa iba niyang barkada na mga kalalaking tao raw ay hilig makialam at magtsismis ng buhay nang may buhay.
May asawa na ang macho actor na tinutukoy ng source.
Zanjoe all smiles dahil kay Bea
All smiles si Zanjoe Marudo nowadays. Ang rason: Well, aside from an obviously happy love life, masayang-masaya rin ang aktor sa takbo ng kanyang career.
Matapos ang success ng kanyang highly-rated seryeng Cristine with Cristine Reyes, ngayon naman ay magbibida muli siya sa upcoming comedy movie ng Star Cinema — ang Wedding Tayo, Wedding Hindi.
Zanjoe plays Oca, ang fiancé ni Toni Gonzaga (Belay). Happy si Zanjoe sa role niya na isang mabait at supportive na boyfriend na gagawin ang lahat matupad lang ang mga hiling ng kanyang bride-to-be. But conflict arises when his simple, innocent and soft-spoken girlfriend has become a boisterous, flamboyant, and skimpy Japayuki after years of working in Japan.
Paano niya muling ihaharap sa kanyang conservative Catholic mother si Belay? Dito iikot ang love story ng dalawa as they go about their wedding plans and as Oca tries his best to fulfill his marriage commitment to Belay despite the odds.
Light and feel-good role ang papel ni Zanjoe sa Wedding Tayo, Wedding Hindi, proof that he can be one of the most versatile actors in showbiz these days. He’s more than just a hunk. Zanjoe can be sexy, but he can also be serious or funny when it’s called for.
Nahasa na nga siya in doing comedy parts after years of doing a comedy show. What’s nice about him is his almost deadpan handling of a comic line or situation. Hindi siya ’yung tipikal na OA mag-react just to be funny. He doesn’t resort to slapstick when it comes to comedy. With his good looks, build and demeanor, ibang-iba ang take ni Zanjoe sa pagpapatawa.
Aside from Toni, kasama rin sa pelikula sina Eugene Domingo at Wendell Ramos. Ito ay sa direksiyon ni Jose Javier Reyes mula sa Star Cinema and OctoArts Films at ipalalabas na in more than 100 theaters sa Aug. 31.