Pakikipag-ayos ni John Prats inisnab ni Rachelle Ann
Sa isang pakikipag-usap kay Rachelle Ann Go, sinabi nito na nag-effort naman si John Prats na magkaroon sila ng closure, ’yun ang feeling niya ang dahilan kung kaya siya nito tineks dati, right after na lumabas ang balita ng split up nila, ’yun nga lamang at the time na nag-text ito sa kanya, ayaw pa niyang kausapin ito, at hanggang ngayon wala pa rin silang komunikasyon.
“When he texted me I felt wala na kaming dapat na pag-usapan pa, ’yun na ’yun. Okay na ’yung ganun, walang usapan, walang komunikasyon. But in due time, magkakausap din kami and who knows we might still end up as friends,” sabi ng magandang singer na may bagong album na ini-release ng Viva titled Unbreakable.
Obviously ay naka-move on na siya from her controversial break up pero hindi sa mga gulo at intriga na hindi niya alam kung sino ang nagpapakulo at bakit.
“Galit ba sila sa akin, bakit? Wala naman akong alam na may nasaktan ako, pero ’yung i-link ako sa isang may asawa, nakakahiya. Kung galit sila sa akin, ako na lang, huwag na silang mandamay pa ng iba. Hindi ko rin alam kung saan nila ibina-base ’yung mga sinasabi nila. I feel bad and lonely dahil parang binibigyan nila ako ng image na isang home wrecker. Hindi naman ako ganun, hinding hindi ’yun mangyayari,” pagtatanggol pa niya.
Fund raising concert para kay Joseph tagumpay
What I thought was just a suggestion has become a reality, salamat naman dahil para ito sa kapakanan ng naaksidenteng si Joseph Bitangcol. Isang fund-raising show ang matagumpay na isinagawa ng kanyang mga kaibigan kagabi sa Zirkoh Morato na pinamagatang Coming From the Heart.
Kaya kayong may mga puso para sa maaga niyang paggaling, lahat kayo ay pinasasalamatan ng mga nag-perform — Marissa Sanchez, Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa, Mocha Girls — at ang nagpasimuno — Allan K.
Claudine may isisiwalat
Siguro magiging interesado kayong panoorin ang tungkol sa isang Kapuso actor na nabiktima ng pinakabagong modus operandi sa maraming artista ngayon. Malay ninyo at baka hindi lang mga celebrities ang biktima ng mga taong nagpapatakbo nito ngayon kaya ngayon pa lamang ay alamin na ang tungkol dito mamayang hapon sa Showbiz Central para tayo ay makapag-ingat din.
May selebrasyon din sa talk show mamaya, dito ipagdiriwang ng batang si Mona Louise Ray ang kanyang birthday kaya makakasaksi rin tayo ng isang pambihirang children’s party.
Pero ang talagang magbibigay-kulay sa episode ngayong hapon ay ang mga bagong rebelasyon na isisiwalat ni Claudine Barretto at ang bukingan sa pagitan ng mga Tween Academy: Class of 2012 stars.
Anak ni Manay Gina lalaban sa dengue
Ngayong nakakatakot na ang paglubha ng sakit na dengue, nakabanaag tayo ng pag-asa sa pagdating ng isang produkto na solong ipinamamahagi ng Aeonyx Marketing Corp. na pag-aari ng isang nagmula sa angkan ng showbiz na si Carissa Cruz-Evangelista, apo ng dating may-ari ng Sampaguita-VP Pictures na sina Dr. Jose at Nene Perez at anak ng ngayon ay Congresswoman Gina de Venecia. Dati ring Department of Trade and Industry undersecretary si Carissa.
Namamahagi ang Aeonyx ng Buzz Away patches at bracelets na mabisang pangontra sa lamok. Environment-friendly ito at gumagamit lamang ng citronella at natural oils na nagtataglay ng matapang na insect repellent properties. Matatagpuan ito sa lahat ng Ace Hardware at children’s section ng Rustan’s. Umeepekto ito hanggang 15 araw.
- Latest