^

PSN Showbiz

German Moreno todo-paliwanag pa rin sa sakit ni Nora Aunor

- SEEN SCENE -

Seen : Kahapon ang story conference ng Enteng Ng Ina Mo sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga.

Ang Enteng Ng Ina Mo ang official entry nina Vic Sotto at AiAi delas Alas sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Scene : Ngayong hapon ang binyag ni Xalene P. Contis, ang second daughter ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz.

Gaganapin ang binyag sa Christ The King Greenmeadows Church.

Seen : Si Nora Aunor sa birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites noong Biyernes ng gabi.

Sinamantala ni German Moreno ang pagkakataon dahil nang umakyat sila ni Nora sa stage, pinabulaanan ni German ang intriga na hindi sinipot ni Nora ang shooting ng El Presidente.

Nilinaw ni German na totoong nagkasakit si Nora at pinatunayan ito ng personal doktor ni Laguna Governor ER Ejercito, ang lead star ng El Presidente.

Scene : Malapit nang magwakas ang 100 Days To Heaven ng ABS-CBN.

Ang Budoy na tinatampukan ni Gerald Anderson ang ipapalit sa 100 Days To Heaven.

Seen : Ang 25 candidates ng Miss World Philippines.

Hindi masyadong outstanding ang beauty ng ilan sa mga kandidata.

Scene : Matagumpay ang red carpet premiere kagabi sa SM Megamall Cinema 9 and 10 ng Tween Academy: Class of 2012.

Co-production venture ng GMA Films at SMDC ang youth oriented movie.

Seen : Iniintriga ang gender ni Martin del Rosario, ang young actor na napansin ang acting sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Malaki ang potensyal ni Martin na sumikat, gaya ni Enchong Dee.

ANG ENTENG NG INA MO

BROADWAY CENTRUM

CHRIST THE KING GREENMEADOWS

DAYS TO HEAVEN

EAT BULAGA

EL PRESIDENTE

ENCHONG DEE

ENTENG NG INA MO

GERALD ANDERSON

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with