Ending ng Andres de Saya isang musical barangay fiesta

MANILA, Philippines - Sa August 21, isang masayang pagtatapos at musical barangay fiesta ang handog ng Sunday sitcom ng GMA 7 na Andres de Saya ni Carlo J. Caparas. 

Sabik na ang mga manonood na malaman kung mananatiling under de saya hanggang wakas si Andy (Cesar Montano).

Dahil fiesta sa barangay, gusto ng ilang barangay officials na magsabit ng banderitas sa bintana ng bahay ni Andy. Subalit, alam nilang matapang ang asawa nitong si Mat (Iza Calzado) kaya nagdesisyon silang hingin muna ang permiso nito kahit pinayagan na sila ni Andy.

Hindi nagustuhan ni Andy ang ginawa ng mga barangay officials kaya siya na mismo ang nagkabit ng mga banderitas hanggang sa makuryente siya! Nagtamo siya ng injury at dahil dito ay pagsisilbihan at aalagaan siya ni Mat.

Lumalambot na nga kaya ang puso ni Mat para kay Andy? Paano naman ang lola niyang si Lola Corrine (Ms. Gloria Romero)? Matatanggap pa ba nito si Andy?

Isang masaya at musical finale ang alay ng cast dahil may inihandang mga sorpresa sina Andy, Mat, Bryan (Elmo Ma­ga­lona), Adonis (Pekto), Charing (Chariz Solomon), Lizzy (Julie Anne San Jose) at Jecjec (Jilian Ward). Maging sina Lola Corrine at Aling Minda (Ms. Caridad Sanchez) ay makikisaya rin!

Abangan ang huling episode ng Andres de Saya sa Linggo (Aug­ust 21), pagkatapos ng Mind Master, sa GMA 7.

Show comments