^

PSN Showbiz

Dingdong minumulto ng sariling ina

-

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang one-month stint ni Dingdong Dantes sa horror-comedy program ng GMA 7, ang Spooky Nights. Matapos ang treasure-hunting sa Da Mami, isang mama’s boy naman ang gaganapan ng top-notch actor sa Ang Mama Kong Mamaw simula August 20.

Sa Spooky Nights Presents : Ang Mama Kong Mamaw, matutunghayan ang kuwento ng mama’s boy na si Bongbong (Dingdong) at ng ina nitong si Mommy Glo (Ms. Chanda Romero).

Si Mommy Glo, na isang aktres noong 70’s, ang palaging nagdedesisyon para kay Bongbong – simula sa pagkain hanggang sa mga babaeng dini-date nito. Lagi niyang ikinakatuwiran na nanghihimasok lamang siya dahil hangad niya ang makabubuti sa kanyang anak. At para sa kanya, hindi pa nakikilala ng kanyang unico hijo ang babaeng babagay sa kanya.

Nang mamatay si Mommy Glo, nagkaroon na si Bongbong ng pagkakataong maging independent at makapili ng babaeng iibigin niya. Kaya lang, labis ang pagmamahal sa kanya ni Mommy Glo at hindi ito matahimik sa kabilang buhay. Nagdesisyon itong bumalik bilang isang multo at patuloy na makialam sa buhay pag-ibig ng anak.

Paglaon, napapansin ni Bongbong na may kakaibang nangyayari sa mga dini-date niya – si Anna (Michelle Madrigal) ay natakot nang sobra at naging tulala; si Karen (Andrea Torres) naman ay na-trauma rin dahil sa takot.

Sa puntong ito, napagtatagpi-tagpi na ni Bongbong na ang kanyang ina ang may kagagawan ng lahat. Hinarap niya si Mommy Glo at sinabihang iwan na siya at manahimik na lamang sa kabilang buhay.

ANDREA TORRES

ANG MAMA KONG MAMAW

BONGBONG

DA MAMI

DINGDONG DANTES

MICHELLE MADRIGAL

MOMMY GLO

MS. CHANDA ROMERO

SA SPOOKY NIGHTS PRESENTS

SI MOMMY GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with