Kaedad lang ni Elmo Magalona ang mga Tween Hearts stars pero kung tratuhin nila siya, parang isang kuya. Ito kasi ang impresyon na ibinibigay ni Elmo sa kanyang mga nakakasama, na mas mature ang pag-iisip niya kung kaya kahit magkakasing-tanda lang sila, mas mataas ang maturity level niya sa kanila.
At maski na sa Tween Academy : Class of 2012 movie, si Sam Pinto ang ipinareha sa kanya gayung maraming tween boys na may crush din sa sexy actress. Sana lang hindi ito makaapekto sa love team ni Elmo kay Julie Anne San Jose. Nakatakda na silang gumawa ng solo movie as a tandem, bukod pa sa pagkatapos ng Tween Hearts ay may pagsasamahan pa silang serye.
Angel parating may ‘alalay’
Wala na talagang kawala si Phil Younghusband kay Angel Locsin. Nahulog na talaga ang loob niya sa aktres kung kaya ayaw niyang mawala ito maski na sa kanyang paningin. Where Angel is, he’d like to be there, too. Kahit na sa malalayong lugar sa labas ng bansa ay sinusundan niya ang aktres. Natatakot kaya siyang maagaw si Angel ng iba?
Dapat lang ma-insecure ang athlete, ang daming nagkakagusto sa aktres. Maski nga ang ex ni Angel na may iba na ngayon ay hindi pa siya nakakalimutan, gusto pa siyang balikan kaya lang ayaw na ng Kapamilya actress.
Tama lang si Phil na buntutan ang aktres. Sa ganitong paraan, nakasisiguro siya na walang makakasingit sa kanya. Pero kung ako sa kanya, mamadaliin ko na ang panliligaw kay Angel, para makatiyak na talaga.
Pekto nakabawas sa trabaho ni Manny
Maganda naman ang pagkakadagdag ni Pekto sa Manny Many Prizes. Makakatulong siya para hindi mangarag sina Gladys Guevara at Paolo Contis. Ang bulto ng trabaho kasi ay nakaatang sa dalawang ito. With Pekto’s coming, medyo nabawasan sila ng load.
Ganundin naman si Manny Pacquiao na gustuhin man na palaging mag-host mawawalan siya ng boses, at mapapagod siya. Baka makaapekto ito sa mga susunod niyang laban. Tama lang na nakikita siyang palagi, pero paalalay na siya sa mga co-hosts niya.
Pati nina Rhian Ramos at Isabelle Daza ay puwede nang dagdagan ng load, ito naman ay to their advantage rin. The less Manny works, the more his co-hosts will work.