Paris nangakong babalik agad ng PH
“Bye Manila, I will miss you! Sad to leave, everyone was so sweet! Love the Philippines so much! I will be back soon! Love you all!” tweet ng socialite at hotel heiress na si Paris Hilton pagsakay niya ng eroplano Thursday night pabalik ng Amerika pagkatapos ng apat na araw sa bansa.
Suot ni Paris pag-alis ang bigay na T-shirt ni Manny Pacquiao na nakalagay ang mukha ng boxing champion kaya mas maraming naaliw sa kanya.
Samantala, nagpalitan naman ng tweet sina Ruffa at Paris : “Paris fever hits Manila! PARIS HILTON has arrived at the AZURE” unang tweet ni Ruffa.
“Great meeting you last night! You are beautiful! :),” sagot naman ng socialte.
“Paris! You are beautiful both inside and out. You have made millions of Filipinos happy with your smile and presence. Come back soon! Mabuhay ka!” sagot uli ni Ruffa.
At kahapon nagti-tweet na si Paris : “Feels so amazing to be at home in my own bed. Been such a hectic week of work. Just got out of a bubble bath and now getting in bed. :),” sabi niya.
Ito lang ang bongga sa twitter. Alam mo agad ang nangyayari sa kanila. Kaya lang ‘yun lang mga adik sa Internet ang may alam ng ganito. Surely, hindi dito maka-relate ang maraming readers sa mga probinsiya na sa dyaryo umaasa ng mga balita.
Gwen hindi nahirapan
sa Indonesia
Ang suwerte ni Gwen Zamora ‘di ba? Siya ang kauna-unahang GMA Artist Center (GMAAC) talent na nabigyan ng international film na kinunan ang kabuuan sa Indonesia recently lang.
Actually, kakarating lang ni Gwen mula sa ilang buwang pamamalagi roon. Ang bongga niya dahil bida agad siya sa independently-produced film na The Witness ng Skylar Pictures na nakabase nga sa Indonesia. Dinirek ito ng kilalang director doon na si Muhammad Yusuf.
Sa pelikula, gagampanan ni Gwen ang role ng nag-iisang nakaligtas sa massacre sa loob ng bahay. Kaya naman grabe ang naging demand ng character niya. Pero hindi naman nahirapan ang young actress. In fact, imbes na mag-reklamo sa hirap ng role, sinabi niyang marami siyang natutuhan.
Napili si Gwen para sa role nang dumating sa bansa ang mga executive ng nasabing film outfit.
Ang The Witness ay una pa lang sa partneship sa pagitan ng GMAAC at Skylar Pictures.
Aktor na naadik sa botox,
hindi na galos maigalaw ang noo
Hindi na raw maigalaw ngayon ng isang aktor ang kanyang noo dahil sa tadtad ng botox.
Yup, ito raw ang rason kaya kahit makita n’yo siyang naiinis o nagagalit o kaya naman ay natutuwa sa kanyang dating programa, wala nang mabakas na emosyon dahil sa naging adiksyon nito sa botox.
Actually, bata naman talagang tingnan ang aktor. Sa edad niya, puwede pa siyang makipagsabayan sa mga bata-batang aktor. Pero dahil sa ginawa niya, mas napadali ang pagtanda niya.
Bihira ngayong makita ang aktor. Pero hindi siya tinatantanan ng tsismis dahil nga sa hitsura ng mukha niya ngayon. Favorite topic siya sa mga umpukan ha.
- Latest