Jon Avila ligtas na sa dengue

Magaling na ngayon si Jon Avila mula sa sakit na dengue. Noong isang linggo ay marami ang nabahala nang ma-confine ang binata sa ospital dahil sa nasabing sakit. “Naospital ako, mga five days, so bale mga eight days kasi nasa bahay ako ng three days na mataas ang lagnat ko kaya nagpunta ako sa hospital para ma-confine,” kuwento ni Jon.

Natuwa ang binata nang dalawin siya sa ospital ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

“Sina Ryan Bang at Vice Ganda, they came to visit, papatawa sila kasi alam nila na malungkot ako noon.

“So it’s very nice of everyone to visit me. Kailangan talaga may kaibigan ka doon. Siyempre nakakalungkot kung nasa ospital ka kung five days pa, suwerte naman ako. It’s more than you see on screen. Kasi lahat close kami lahat,” paliwanag pa ni Jon.

Si Maja pa ang naging tulay Matteo at Kim laging magkasama

Naging malapit sa isa’t isa sina Kim Chiu at Matteo Guidicelli dahil kay Maja Salvador. Si Maja kasi ang common friend ng dalawa kaya naging magkaibigan na rin sina Kim at Matteo ngayon. Magkasundung-magkasundo sina Kim at Matteo dahil pareho silang Cebuano.

 “Bisaya rin siya, lagi kaming nagbi-Bisaya. Iba kapag Cebuano,” pahayag ni Matteo.

“Sasabihin niya ayos ang make up ko pero in Bisaya,” pahayag naman ni Kim.

Isa si Matteo sa tatlong leading men ni Kim sa teleseryeng My Binondo Girl na magsisimula na sa Lunes. Lalong naging close ang dalawa dahil sa kanilang serye. “Kami ni Kim lahat sine-share namin, we talk about everything,” dagdag pa ng binata.

“Kami ni Matteo, lokohan, biruan, tsikahan, kuwentuhan. Lagi kaming luma­labas kapag walang work. Magkabarkada, magkakasama kami,” kuwento pa ni Kim.

Bukod kay Matteo ay makakatambal din ni Kim sa nasabing serye sina Xian Lim at Jolo Revilla.

JM De Guzman bibirit ng ala Marcelito

Mamayang gabi ay masasaksihan nating lahat ang kuwento ng buhay ng Pilipinas Got Talent Season 2 grand winner na si Marcelito Pomoy sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya.

Gaganap bilang si Marcelito si JM De Guzman na nagpakita ng kahusayan sa pag-arte sa katatapos pa lamang na seryeng Mula sa Puso.

Napansin din ang binata sa kanyang pagganap sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank na pinagbibidahan naman ni Eugene Domingo.

Makakasama ni JM sa nasabing episode sina Emilio Garcia, Philip Nolasco, Tanya Gomez, Crispin Pineda, at Melissa Mendez.

“Mga Kapamilya, tutukan n’yo po, I’m sure maraming mai-inspire sa buhay ni Marcelito Pomoy,” maikling pahayag ni JM.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments