^

PSN Showbiz

Bagong lunas sa sakit ng matatanda't bata tampok sa L&S

-

MANILA, Philippines - Marami ang naging interesado sa ipinalabas na pagdalaw ni Mader Ricky sa Villa Medica sa Bangkok, Thailand tatlong Sabado na ang nakakaraan. At sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-onse ng umaga sa GMA News TV ay may feature muli tungkol sa mga bagong lunas sa malulubhang sakit ng mga bata at matanda.

Unang paksa’y ang makabagong intervention strategy (Stem Cell Treatment). Ito’y ang paglalagay ng bagong cell sa mga nasalantang parte ng katawan sanhi ng sakuna o sakit.

Kung lagi kang nahahapo, nawawalan ng balanse ang katawan at nakakaramdam ng pananamlay ang 3, 4 o 5 Rejuvenation Experience ay para sa’yo. Ito ay pag-aalis ng mga dumi o toxin sa katawan at nakakapagpanumbalik ng sigla, kalusugan at lakas.

Ibabahagi rin ni Mader Ricky ang mga pagkain, tamang diet at herbal supplement na itinuro sa kanya ng mga eksperto ng Villa Medica.

Maraming sakit tulad ng Irreversible Pedia Neuron Disease ang sanhi ng pagkamatay ng maraming bata sa buong mundo at sa programa’y ipakikita ang mga natuklasang lunas para sa mga ito. 

Tutok lang lagi tuwing Sabado sa LSWGRR na hatid sa inyo ng ScriptoVision.

vuukle comment

GANDANG RICKY REYES

IRREVERSIBLE PEDIA NEURON DISEASE

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

REJUVENATION EXPERIENCE

SABADO

STEM CELL TREATMENT

VILLA MEDICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with