Kinuha pala ni Gerald Anderson ang phone number ni Sarah Geronimo sa presscon nila sa Globe Prepaid SUPERUNLI ALLTXT, pero sabi ng actor sa presscon ng Dermablend, hindi pa sila textmate dahil ayaw niyang guluhin si Sarah na alam niyang isang very busy person.
Inunahan na ni Gerald ang mga reporter na kausap at na-feel yatang next na itatanong ay kung popormahan niya si Sarah, kaya sabi nito’y, “Wag nating pilitin, swabe at dahan-dahan lang.”
Inusisa rin si Gerald sa grupo ng fans nila ni Kim Chiu na hindi pa rin tanggap ang pagpareha nila sa iba at umaabot sa puntong inaaway at pinagbabantaan ang mga nakakapareha nila.
“By now, dapat alam na ng fans na trabaho lang ito at ito ang buhay namin. Four years kaming magkasama ni Kim at kailangan naming ipareha sa iba. Ang alam ko, ang solid fans ko, sinusuportahan ako kahit sino ang leading lady ko at ‘yun ang maganda. Iyong ayaw naman, no choice sila kundi tanggapin ito, wala tayong magagawa, trabaho ito,” sabi ni Gerald.
Anyway, si Gerald ang endorser ng Dermablend Guava Tea Tree Soap, nag-renew siya ng kontrata kasama si Sam Milby. Ang Dermablend din daw ang rason kung bakit gumaguwapo siya ngayon.
Pakikipaghiwalay ng anak na aktres sa bf, ipinagdiriwang ng nanay
Natutuwa tiyak ang ina ng aktres na kahihiwalay sa huli niyang nobyo dahil sa simula pa lang ng relasyon ng dalawa, nagpahayag na ito nang hindi pagpabor sa karelasyon ng anak.
Sa isang pakikipag-usap sa ina ng aktres, nabanggit nito ang mga rason kung bakit hindi niya tanggap ang BF ng anak, pero nangako kaming hindi isusulat ‘yun. Sinabi rin niya sa anak ang mga rason pero dahil mahal ng anak ang lalake at nakita niyang masaya ito, pinabayaan na lang niya.
Nabanggit din ng ina na mas gusto pa rin niya ang ex-BF ng anak na kaya naman hiniwalayan ay dahil babaero. Hindi nagmumukmok ang aktres, kaya tingin ng ina, mabilis itong naka-move on sa break-up nila ng BF.
Launching movie nina Julie Ann at Elmo may title na
May title na ang movie nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona at batay sa reaction ng kanilang fans, pabor sila sa napili ng GMA Films na Just One More Time. Si Mac Alejandre ang magdidirehe ng launching movie ng dalawa na unang nakilala ang tambalan sa Party Pilipinas.
Wala pang balita kung kailan sisimulan ni Direk Mac ang shooting ng launching movie ng dalawa na may January 2012 playdate.
Unang mapapanood ang love team nina Julie Ann at Elmo sa Tween Academy: Class of 2012 na showing sa August 24, kahit cameo lang ang singer-actress at si Sam Pinto ang love interest ni Elmo.
Ligo at Rakenrol magsasalpukan sa takilya
Nabigyan ng grade B ng Cinema Evaluation Board ang Ligo Na U, Lapit Na Me nina Edgar Allan Guzman at Mercedes Cabral na showing sa September 7. Tuwang-tuwa ang actor dahil dagdag na promo ito sa pelikulang unang ipinalabas sa Cinemalaya.
Nauna rito, nagustuhan ng viewers ang team-up nila ni Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya at nag-trending ‘yun sa Yahoo! ‘Katuwa lang dahil makakasabay sa showing ng Ligo Na U, Lapit Na Me na ang Regal Entertainment ang magre-release ang Rakenrol na ang co-producer ay ang anak ni Mother Lily na si Dondon Monteverde.
Nabanggit ni Direk Erick Salud na magkakaroon ng sequel ang Ligo Na U, Lapit Na Me next year sa Cinemalaya pa rin at kinumpirma ito ng producer na si Noel