MANILA, Philippines - Puno ng mga nangangarap madiskubre sa showbiz ang Music Hall ng SM Mall of Asia (MOA) nitong nakaraang linggo. Nagkagulo ang mga nag-audition sa Manila para sa pinakamalaking superstar search, ang Protégé: The Battle for the Big Break.
Ang mga performers na walang age bracket ay nagpakita ng talent sa harap ng mentor na si Gloc-9. At isang 10-year-old girl ang nakapagpahanga sa local rapper nang kantahin ang Empire State of Mind nina Jay-Z at Alicia Keys. Standing ovation at papuri ang nakuha ng bagets mula kina Arsi Baltazar at Jojie Dingcong.
Kahanga-hanga rin ang isang vocal trio ng Baguio na magkakapatid.
Samantala, si Aiza Seguerra ang humarap sa Cagayan de Oro contestants. Daan-daang Kagayanons at ilang music artists ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, at Lanao del Norte ang naglaban-laban para sa tatlong Protégé slots na nakalaan sa CDO mentor.
Ang Protégé: The Battle for the Big Break ay hino-host nina singer-songwriter Ogie Alcasid (Journey Host), multi-awarded drama actor Dingdong Dantes (Gala Presenter), at versatile Kapuso star Jennylyn Mercado (Reality Host).
Sa September na mapapanood ang mga singing sensations sa GMA Network.