Actress na-love sick nang makita ang dyowa!

Love sick daw ang nararanasan ng aktres.

Yup love sick dahil magkasama na naman sila ng kanyang dyowa na idinidenay niya.

Matagal-tagal din daw kasing hindi nagkasama ang dalawa kaya siguro raw ay na-miss ni actress ang karelasyon kaya nang magkita sila uli, biglang nagkasakit si actress.

“Basta kasi andiyan ang papa niya, nawiwindang na siya. Hindi nga namin alam kung bakit mahal na mahal niya ‘yun eh,” say ng isang source na may alam sa ‘sakit’ ng actress sa kasalukuyan.

BF ni Anne, makiki-concert kay Solenn

Uy showbiz na ang boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff na kahapatid ni Solenn. Yup, siya ang magiging guest ni Solenn sa kanyang first major concert sa Friday, August 19, 2011 - Solenn On Stage - na gagawin sa Teatrino in Promenade, Greenhills.

Kaya lang, sayang. Hindi pala makakarating si Anne. Maganda na sanang chance ‘yun para mag-duet sila ng BF sa concert ng kanyang sister-in law to be.

Pero say naman ni Solenn, alam na niya from the start na hindi talaga makakarating ang kanyang magiging hipag dahil meron itong commercial shoot. “Walang problema, Anne’s shooting a commercial, pero she’ll be there naman sa second night ng concert ko on August 26, kaya okay lang din,” say ni Solenn.

Dalawang duet ang gagawin nina Solenn at Erwan dahil ayaw mag-solo number ng kanyang kapatid. Hindi kasi pala ito sanay kaya mas gustong may ka-duet.

 Pero dati na raw kumakanta si Erwan. Noong nasa Paris, France pa sila - nag-aral pa sila.

 “He’s a good singer, kaya nga I’m so happy at pumayag si Erwan na mag-guest sa first concert ko,” sabi ng kapatid.

Bukod kay Erwan, makaka-join din sa Solenn On Stage sina Ogie Alcasid at Geoff Taylor. Todo suporta rin ang home studio niya - GMA 7.

Iparirinig ni Solenn sa kanyang concert ang mga nasa debut album niya under MCA na kaka-release lang last month.

   For ticket inquiries, please call Ticketworld at 891-9999, Music Museum at 721-0635 at puwede ring makabili sa Teatrino Box-office.

Way Back Home, Naka-B

Graded B ng Cinema Evaluation Board ng pelikulang Way Back Home ng Star Cinema starring Kathryn Bernardo and Julia Montes. In fairness, nakakaiyak ang simpleng story na very masa. I’m sure maraming iiyak sa pelikulang ito na dinirek ni Jerry Lopez-Sineneng. Impressive na ang acting ng mga bagets stars para sa mga baguhan na tulad nila. Pero siyempre nakadagdag ang galing nina Agot Isidro, Tonton Gutierrez, at Lotlot de Leon. Showing na simula bukas sa maraming sinehan ang Way Back Home.

Show comments