Sa August 29, na ang pilot ng Iglot at wala itong papalitang soap ng GMA 7 dahil extended ang Munting Heredera ng 10 weeks. Hahaba ang Telebabad block ng network dahil anim na ang panonoorin at mauuna ang Iglot dahil after 24 Oras ang time slot nito at susunod ang Amaya.
Kuwento sa amin, naging malapit agad si Claudine Barretto sa child star na si Milkcah Nacion, gaganap na kanyang anak. Nalaman nitong never pang nagkaroon ng Barbie Doll ang bata, kaya sa pictorial nila, binigyan ito ng Barbie Doll at balita namin, sa mga sumunod nilang pagkikita, ito rin ang pasalubong niya sa bata.
Bukod doon, binilhan din ito ni Claudine ng boots at pinapunta sa kanilang bahay para ipakilala sa mga anak na sina Sabina at Santino. Hindi lang si Claudine ang natutuwa kay Milkcah, pati si Jolina Magdangal dahil at six years old, alam na kung ano ang gusto sa buhay at hindi bata kung kumilos at mag-isip.
Dahil sa promo ng Iglot, magko-co-host ng one month si Claudine sa Showbiz Central, siya ang papalit kay Jennylyn Mercado.
Mga nanay ng tweens napilitang ‘di umalalay sa mga anak
Sinunod naman pala ng mga ina ng cast ng Tween Academy Class of 2012 ang pakiusap ng GMA Films na ‘wag na silang sumabay sa mga anak nila sa coaster na ginagamit sa mall tour ng mga bata. Sumusunod pa rin sila sa venue sakay ng kani-kanyang cars.
Hindi napagsabihan sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin dahil wala kaming nakitang ina nila na sumasama sa kanilang mga lakad. Saka, tatlong ina lang ang pinangalanan na kailangan niyang paalalahanan.
Napansin naming hindi na nagkikibuan sina Bea Binene at Derrick, kaya ayaw naming maniwalang hindi sila pinagbawalang ituloy ang namumuong pagtitinginan. Napansin din naming naging possessive si Jake Vargas sa ka-love team at nag-i-effort nang umakbay at umalalay. Na-threaten kaya siya?
Ang mommy ni Bea ang mismong nagda-drive ng c ar nila at mag-isa siyang sumunod sa SM Masinag. Nahiya lang kaming magtanong tungkol sa pag-iyak ni Bea sa Startalk dahil sa pag-alis ng ama noong Father’s Day.
Busy sila ngayon sa promo ng movie na showing na sa August 24. Sa Friday, nasa SM Davao sila.
Bagets aktor internationAL movie ang unang assignment
Tuwang-tuwa ang kapwa manunulat na si Mario Bautista sa child actor na si Martin delos Santos dahil nang makita siya sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina, lumapit sa kanya, hindi para magpa-interview, kundi para magpasalamat sa mga nasusulat nito sa kanya.
Sabi tuloy ni Mario, mabuti pa ang bata marunong magpasalamat at iilan na lang sila sa showbiz na nagpapasalamat ‘pag nasusulat. Karamihan nga naman sa mga artista, dedma sa mga nagsusulat sa kanila at nag-e-effort lang kilalanin ka ‘pag nasulat ng hindi maganda.
Anyway, ginagampanan ni Martin ang role ni Andoy sa Pahiram ng Isang Ina, kapatid ni Berna (Bea Binene) na inaapi ng kanilang kamag-anak.
Nabanggit nga ni Mario ang husay ni Martin sa mga indie films na Tsardyer, at Patikul at sa international movie na Mammoth. Dito siya nag-audition, pero nag-shooting siya sa Sweden at nakasama lang naman niya sina Michelle Williams at Gael Garcia Bernal. Bongga ang bagets, no! Jose at wally pasok na sa Iskul Bukol
Tsika sa amin, kasama na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa second season ng Iskul Bukol na napapanood sa TV5 every Tuesday evening. Isinama ang dalawa dahil mataas ang ratings ng episode na guest sila na may continuation mamaya.
Kung magkakaroon ng second season ang Iskul Bukol, ibig sabhin, hindi totoo ang tsikang matsutsugi na ito after one season? Si Mr. Tony Tuviera ang producer ng sitcom at sina Dante Garcia at Soxy Topacio ang directors.