Paris, excited makita sina Manny at Jinkee, P-Noy hindi makikipagkita sa socialite

“Mabuhay Philippines! I just arrived, thousands of fans waiting at the airport when I walked in. I feel so welcomed here! Mahal ko kayo! :),” tweet ng socialite at hotel heiress na si Paris Hilton na dumating sa bansa last Sunday Night.

“Looking forward to meeting up with my friends Manny and Jinkee Pacquiao while I’m here. They are such a cool sweet couple! Love them! :),” update niya pa sa kanyang twitter account.

“I love the food in the #Philippines! So delicious! Loves it :),” dagdag niya.

Limang araw mananatili sa bansa si Paris na nawalan ng dalawang cell phone bago pa nakarating ng ‘Pinas. Nung una ay sinasabing sa airport nawala pero klinaro na sa Dubai daw.

Samantala, inulit ni Deputy Presidential Spokes­person Abigail Valte na hindi nga magkikita sina Pangu­long Noynoy Aquino at Paris. Sa kanyang tweet kahapon : “ It was reported yesterday that Paris Hilton is meeting President Aquino. Not true, okay? :-)”

Klaro, hindi magkikita ang dalawa.

May ginagawang commercial si Paris para sa Century Properties sa bansa.

JC hindi nagpapatalbog

Hindi nagpatalbog si JC de Vera. Sa dalawang magazine surveys, kasama siya sa listahan ng most beautiful stars and hottest men in showbiz.

Pero bukod sa pagiging beautiful and hot, importante ang kanyang pagiging fine actor.

And so far, pinakamalaking break niya sa showbiz ay ang Ang Utol Kong Hoodlum na magsisimula nang umere sa mid-September kasama si Jasmine Curtis Smith.

Bago pa ibinigay sa kanya ang Hoodlum na pinagbidahan siyempre nina Robin Padilla at Vina Morales noon sa Viva Films, nag-wish na siya na gusto niya ng action project either sa TV or sa big screen. Natupad naman agad. Though Ang Utol… ay more on action, it has dramatic, romantic and comic elements na nagawa lahat ng maayos ni JC.

Para sa kanyang role, nag-prepare siya physically and mentally. Nagpalaki ng mga muscles at pinag-aralan ang mga kilos ng mga tough guys na ang ilan ay mga kaibigan niya.

Actually, hindi naman totally masama ang Hoodlum… na dalawang beses nang ginampanan ni Robin. Meron naman siyang good heart. Napilitan lang siyang sumabak sa pagnanakaw pero nanatili naman siyang mabait sa mga babae.

Siyang-siya ang tinaguriang prince ng TV5 kung saan regular siya sa tatlong shows : Lokomoko (comedy), Hey, It’s Saberdey (musical-variety) and soon ito ngang Hoodlum (action-drama).

Nauna nang binigyan ng drama special ang actor ng kanyang home studio – 5 Star Special at pinatunayan naman niyang deserving siya sa malaking break.

Dahil sa nasabing drama special, napansin ang acting niya ng Star Awards.

Bukod dun nagbida na rin sila ng real life girlfriend niyang si Danita Paner sa My Driver Sweet Lover kung saan naman siya nakipagbatuhan ng mga nakakatawang linya.

Produkto ng Colegio de San Agustin si JC. FYI : Ang kanyang ina ay first cousin ni Boots Anson Roa habang ang kanyang father ay related kay Romeo Vasquez and Luis Alandy.

Sa TV5 siya nabigyan ng mga bonggang assignment.

Kaya lang kahit nasa TV5 na siya, tuloy pa rin ang demanda sa pagitan ng kanyang manager na si Annabelle Rama at GMA 7 executive na si Wilma Galvante. Siya ang sinasabing dahilan ng matinding away.

Two weeks ago ay may naka-schedule sanang hearing pero hindi natuloy.

Ewan ko kung kailan uli matutuloy.

Show comments