Malacañang walang alam sa pagbisita ni Paris Hilton kay P-Noy
MANILA, Philippines - Nasa ‘Pinas na si Paris Hilton. Dumating siya kagabi.
Pero bago siya sumakay ng eroplano may I tweet muna siya : “Mabuhay Philippines! Mahal ko kayo! On the plane about to take off to you! See you all soon! :).”
“So excited to go to the #Philippines, can’t wait to meet you all! Love you,” dagdag na tweet niya.
Lumabas naman ang balitang magkakaroon siya ng courtesy call kay Presidente Noynoy Aquino kasama ang friend niyang si Manny Pacquiao pero ayon sa Malacañang wala sa kanilang advice. “Sa amin pong pagkakaalam, wala po. Wala pong naibibigay na advice sa amin, however, we are coordinating with the President’s private office kung sakali pong mayroon talagang courtesy call,” sabi naman ng Deputy Presidential Spokesperson na si Abigail Valte.
Kahit ang isa kong kilalang taga-Malacañang ay walang idea sa sinasabing pagdalaw ni Paris sa opisina ng pangulo.
Nasa bansa si Paris para maging official endorser ng isang Beach Club at para mag-promote ng kanyang mga Paris Hilton Bags and accessories na ang mamahal kaya kailangan talaga ng push para bumenta. Hindi kasi pang-masa ang presyo ng mga produkto niya kaya hindi masyadong tinatao sa mga mall ang store na nakapangalan sa kanya.
‘Ligawan’ nina Direk Paul at Maja naging malaking issue!
Lumaki ang issue tungkol kina Direk Paul Soriano at Maja Salvador.
May nagkuwento kasi na ‘yun nga, nagsumbong daw si Maja sa boyfriend niyang si Matteo Guidiecilli na nagparamdam sa kanya sa direk habang ginagawa nila ang pelikulang Thelma.
Siyempre nang lumabas, naku nakatikim ng panlalait si Maja.
Paano raw mangyayari ‘yun eh subok na ang tibay ng relasyon ni Direk Paul sa girlfriend na si Toni Gonzaga at hindi raw ganung klase ng boyfriend ang director.
Balitang nag-deny na rin si Maja tungkol sa issue.
Two weeks kasi palang nag-shooting ang Thelma kaya siguro may issue na ganito.
Anyway, ang pelikulang pinagmulan ng intriga ay produced ng mag-asawang Rino Que at Samantha Chavez-Que na nagma-may-ari ng Time Horizon Pictures in cooperation with Abracadabra Productions and Underground Logic kung saan pinagsama-sama raw ang idea na ang common goal ay makagawa ng pelikula that encourages, mag-inspire at magturo.
Ang Thelma kasi ay tungkol sa isang young woman na nadiskubre ang kakaibang gift niya sa pagtakbo para matulungan ang kanyang pamilya na maiahon sa kahirapan.
First indie starrer ito ni Maja na inspires sa mga pelikulang Cinderella Man, Million Dollar Baby and Children in Heaven kung saan pinagtuunan ng pansin ang power of dream and hail the strength of the human spirit.
“It’s important to have a dream but it shouldn’t stop there. One must persevere and pursue it in order for that dream to serve a purpose. It’s never too late to finish what you’ve started, to work towards changing life around for the better despite the odds. We must always strive to finish strong in our own races,” say ni Direk.
At halos isang taon pala ang inabot bago natapos ang script ng Thelma dahil nag-interview pa sila ng maraming professional runners kasama na ang track and field champion na si Elma Muros para makuha nila ang puso ng subject at ma-realize ang intention na magbigay ng family drama na konektado sa pagtakbo sa kabuuan ng kuwento.
“It’s a character film that even those who aren’t into running can relate to. I hope people will appreciate the story, and you know, for the art of it,” sabi pa ni Direk.
At sumakto ang lahat para sa kanila. Ayon kay Direk Soriano, ang nasabing pelikula ay para talaga kay Maja. At sa unang meeting nila, nadiskubre nilang Thelma ang pangalan ng nanay nito at galing sila ng Aparri na ilang oras lang ang biyahe mula Ilocos kung saan nila plinano talaga na kunan ang pelikula.
At ayun marunong pang mag-Ilocano si Maja eh ganun ang character ni Thelma.
At nagkaroon din ng dalawang linggong break si Maja eh ganun katagal lang kailangan ang young actress sa shooting nito.
Kaya naging smooth ang lahat sa kanila although sa shooting nila, nakaranas ng severe leg cramps and muscle spasms dahil sa pagtakbo ng barefoot si Maja or minsan naka-tsinelas lang sa highways, river or sa mga mababatong lugar.
Napabalita pa ngang nahimatay siya sa sobrang pagod sa shooting.
“But, Maja proved herself a pro and wouldn’t call off shooting. Even when her feet would bleed from extensive running scenes, she’d simply splash antiseptic and rub alcohol on her feet then she’d be up and running again for the next scene,” patotoo ni Direk.
Kasama ni Maja sa Thelma sina Tetchi Agbayani, Eliza Pineda and Jason Abalos.
Hindi rin daw minadali ang pelikula kaya bumilib ang ilang nakapanood na nito.
Kung sabagay sinabi ng dirketor na karelasyon ni Toni na blood, sweat and tears ang puhunan nila rito.
Magbubukas ito sa mga sinehan sa September – Star Cinema ang distributor.
- Latest