^

PSN Showbiz

Stress ni Amy Austria lumabas sa mata

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Namomroblema si Amy Austria dahil kung kailan malapit nang matapos ang Minsan Lang Kita Iibigin at ngaragan ang kanilang taping, saka naman namula ang isang mata niya.

Halos walang pahinga ang cast ng aking favorite drama series at may hinala ako na stress ang dahilan ng pamumula ng mata ni Amy.

Hindi siya ang unang artista na narinig ko na biglang namula ang mata. May mga kilala ako na artista na nakaranas ng pamumula ng mata dahil sa puyat at pagod sa taping.

Mini Series ni Nora Aunor may storycon na

Sa Martes ang story conference ng drama series ni Nora Aunor sa TV at gaganapin ito sa isang restaurant sa Quezon City.

Paborito ng production staff ng Kapatid network ang restaurant na tinutukoy ko. Lucky charm nila siguro ang restaurant dahil dito rin ginanap noon ang storycon ng Babaeng Hampaslupa na alam nating lahat na humataw sa ratings.

Required ang mga manager ng mga artista na dumalo sa storycon. Kasali si Christopher de Leon sa cast ng mini-series ni Nora pero guest lamang siya kaya puwede na akong hindi umapir sa storycon dahil meron na akong previous commitment.

Bea at Jake may kanya-kanyang dinadala sa magulang

Alam ko ang pinagdaraanan at pinanggagalingan ni Bea Binene kaya hindi ako na-shock nang umiyak siya sa guesting niya sa Startalk noong Sabado.

Inusisa kasi ni Butch Francisco ang isyu ng paghahanap ni Bea sa tatay nito na naging dahilan ng pag-iyak ng bagets.

Ayaw na ayaw ni Bea na umiyak sa ha­rap ng TV camera. Hindi rin siya sanay na pinag-uusapan ang kanyang personal life kaya nakangiti siya habang cry me a river.

Napaka-ironic ng pagluha ni Bea dahil kung nami-miss niya ang kanyang fadir, ang nanay naman ni Jake Vargas ang prob­lema nito.

Bedridden na ang nanay ni Jake dahil sa colon cancer. Naniniwala si Jake sa himala kaya kahit stage 4 na ang cancer ng nanay niya, hoping siya na gagaling ang kanyang mahal na ina.

Sina Bea at Jake ang magka-loveteam at mapapanood sila sa Pahiram ng Isang Ina.

Bedridden man ang madir ni Jake, siguradong panonoorin nito ang bagong show ng anak. Hindi pina­lalampas ng nanay ni Jake ang mga TV appearance ng bagets actor.

Winarnigan pero hindi nakinig, pagkawala ng ari-arian ng aktres at pagtamlay ng career nakita noon pa ng astrologer

Nakita ko kahapon sa isang restaurant ang astrologer na si Zenaida Seva.

Si Zeny ang nagkuwento sa akin na nami-miss niya ang Tweetbiz, ang dating showbiz talk show namin sa GMA News TV.

Ang sey ni Zeny, nagmamadali siya na makauwi ng bahay para mahabol niya ang Tweetbiz. Nalungkot daw siya nang mawala sa ere ang show na tinawag niya na very creative.

Naniniwala ako na fan si Zeny ng aming show dahil alam na alam niya ang timeslot ng Tweetbiz. Hindi nag-iisa ang sikat na astrologer dahil marami ang nakaka- miss sa Tweetbiz.

Binanggit nga pala sa akin ni Zeny na huwag masyadong mag-worry sa ating health dahil protektado tayo ng planet Jupiter. Hindi ako astrologer pero bilib ako kay Zeny dahil siya ang nagsabi noon sa akin na dapat mag-ingat ang isang aktres.

Sikat na sikat ang aktres na tinutukoy ko. Hinabol ako ni Zeny nang magkita kami sa isang hotel at nag-dialogue siya na payuhan ko ang aktres na ingatan nito ang kayamanan at popularidad dahil mawawala sa kanya ang lahat, kapag naging abusada siya.

True enough, nawala ang lahat ng gamit na naipundar ng aktres at matamlay na rin ang takbo ng kanyang career. Sinunod ko ang advice ni Zeny na pangaralan ko ang aktres pero hindi ito nakinig.

AKO

AMY AUSTRIA

BEA

DAHIL

NIYA

NORA AUNOR

SIYA

TWEETBIZ

ZENY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with