Super successful ang Power Ikons concert ni Erik Santos sa Music Museum last Friday night (meron pang Saturday night.)
Bukod sa napuno ang venue, dumagsa rin ang marami niyang kaibigan sa ASAP Rocks.
For the benefit of Bosom Buddies, isang cancer foundation na tinutulungan ng best friend forever ni ’Nay Lolit Solis na si Ms. Pinky Tobiano ang ginanap na concert.
Inabot ng halos tatlong oras ang Power Ikons at grabe ang taas ng energy ni Erik.
Nakakatuwa pala siyang mag-concert dahil pinaglalaruan niya na ang issue tungkol sa kanyang gender. At kung sumayaw siya nakakaaliw. Ang lambot ng katawan, carry na kumembot.
Nag-ala Nora Aunor din siya sa part ng tribute sa nagbabalik na Superstar, ka-duet si Angeline Quinto. Nag-ala La Aunor siya ng boses na ikinaaliw lalo ng mga nanonood.
Dahil Power Ikons ang title, binigyan niya ng tribute ang lahat ng icons sa kanyang concert – local and foreign, male and female. Kaya birit kung birit.
Kumanta siya ng mga Rihana songs, Barbara Streisand, Mariah Carey, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, at maging ng mga kanta nina Barry Manillow, Martin Nievera, Gary Valenciano, at iba pa.
Bukod kay Angeline naging guest din si Pops Fernandez at isa pang singer na galing ng Miss Saigon.
Nasa audience sina Sarah Geronimo kasama ang mommy niyang si Divine na biniru-biro pa ni Erik tungkol sa bago nitong commercial, Rachelle Ann Go, Yeng Constantino, Jed Madela, Mr. Johnny Manahan, at ilan pang singer na galing sa Pinoy Dream Academy. Nag-uumpisa na nang dumating ang magkarelasyong John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Mukhang may pinanggalingang formal event si Shaina dahil bihis na bihis siya at fully made up habang si John Lloyd ay nakaka-casual lang. Enjoy ang mag-dyowa sa panonood dahil sa spiels ni Erik.
At nang bumaba ang singer para makikanta sa audience, nilapitan niya at pinakanta si John Lloyd pero sabay kuha ng aktor ng mikropono at umakyat sa stage at itinuloy ang pagkanta ng I Can’t Smile Without You. Sigawan ang lahat sa ginawa ng aktor.
Nasa magkabilang side ng Music Museum sina John Lloyd at Sarah kaya walang pagkikita o batiang nangyari.
Si Angeline naman, parang kinabahan sa duet nila. Siguro naisip niyang nasa audience si Sarah na enjoy din sa panonood ng concert.