Ang respetadong radio and TV news anchor na si Mike Enriquez ang nanguna sa mga celebrities na dumalo sa ribbon-cutting at inauguration ng Keysquare, Inc., isang call center na matatagpuan sa Ortigas Center, Pasig City na ginanap nung nakaraang Sabado (Aug. 6) ng hapon. Bukod kay Mike, kasama sa ribbon-cutting sina Ogie Alcasid, Vivian Velez, Gelli de Belen, Rita Avila, ang negosyanteng si Berck Cheng (mister ng Summit publisher na Liza Gokongwei), ang chairman-CEO ng IPS, Inc. (Japan) na si Koji Miyashita at si Masako Uemori na presidente ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center.
Dumalo rin ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez (who is now six months pregnant), ang comebacking actor na si Carlo Maceda kasama ang kanyang misis na si Derlyn, ang Soul Siren na si Nina, ang aktres na si Beverly Vergel at iba pa.
Masayang-masaya ang mag-asawang Ogie at Regine dahil sa kanilang 1st wedding anniversary on Dec. 22 ay meron na silang bagong karagdagan sa pamilya, ang kanilang unang supling, a baby boy (Nathaniel James) na nakatakdang lumabas sa Nov. 22.
Unknown to many, sina Ogie at Regine ay parehong nagsimula as recording artists sa bakuran ng OctoArts International na pinamunuan ni Boss Orly Ilacad. Pagkapanalo noon ni Regine (Chona Velasquez pa sila noon) sa amateur singing contest on TV ay agad siyang kinontrata ng OctoArts.
Samantala, nalalapit na ang birthday concert celebration ni Ogie sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World-Manila sa darating na Aug. 23 (Tuesday), 8:00 p.m. na nakatakdang idirek ni Freddie Santos.
Tatay ni angel parating nakaalalay
Isa si Angel Locsin sa pinaka-in demand sa mga TV and print ad commercials at patunay dito ang kanyang kabi-kabilang billboards and TVCs (TV commercials). Although ngayon pa lamang umuusbong ang kanyang relasyon sa Philippine Azkals football star na si Phil Younghusband, walang alinlangan na isa pa rin si Angel sa pinakamainit among her peers.
Sa kabila ng pagiging bulag ng kanyang ama, ito ang nagsisilbing gabay at lakas ni Angel. Anuman ang mangyari sa kanyang personal at professional na buhay, parating naka-suporta ang butihing ama sa aktres.
Ted nag-sosolo nalang
Two Thursdays ago, nagpaalam na si Pinky Webb sa mga radio listeners nila ni Ted Failon sa kanilang tambalang Failon at Webb sa DZMM (Monday–Friday, 8:00 a.m. to 10:00 a.m.). Walang sinabing dahilan si Pinky liban lamang sa pagpapasalamat kay Ted at sa mga sumuporta sa kanilang tambalan sa radio sa loob ng isang taon at kalahati. Sinabi rin ni Pinky na magbabakasyon muna siya (both sa TV at radio) pero sa kanyang pagbabalik ay sa ABS-CBN pa rin naman siya pero walang specifics siyang binitawan.
Jay-R naghahanap ng bagong manager
Sa 1st anniversary celebration ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center sa Ayala, Makati nung nakaraang Sabado, inamin ng Soul Prince na si Jay-R na umalis na siya sa poder ng manager niyang si Arnold Vegafria and he’s scouting for a new manager.
Ayon sa boyfriend ni Krista Kleiner, wala naman umanong bad blood sa paghihiwalay nila ni Arnold, gusto lamang umano niyang sumubok ng ibang manager. Ang choreographer na si Geleen Eugenio ang naka-discover sa Amerika (kung saan naka-base si Jay-R) at ito rin ang unang tumayong manager niya kaya siya kinontrata ng Universal Records at ng GMA.