Selina may huling pasabog sa finale ng MSP

MANILA, Philippines - Isang malaking pasabog ang naghihintay sa mga tagasubaybay ng Mula sa Puso sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong Biyernes (Aug 12).

Matutunghayan na nga ang isa sa mga eksenang pinakatumatak sa sambayanan na unang ipinalabas ang serye noong 1999— ang pagpapasabog ni Selina ng bus na sinasakyan ni Via.

Naging matagumpay nga ang muling paggawa ng ABS-CBN sa Mula sa Puso dahil sa pag-ariba nito sa national TV ratings gabi-gabi. Lagi itong kasama sa top 10 daily programs nationwide base na rin sa datos ng Kantar Media.

Noong Linggo (Aug 7), nagsama-sama ang buong cast sa ASAP Rocks para pormal nang magpaalam sa mga fans ng programa.  

Huwag bibitaw sa huling mga episodes ng Mula sa Puso pagkatapos ng I Dare You sa ABS-CBN.

Show comments