Cesar gustong gawing jologs ang anak

Kung matutuloy, this week na sisimulan ang shooting ni Cesar Mon­­­tano ng action movie na Hit­man, produced ng kanyang CM Films at siya rin ang direktor. Kasama niya rito sina Phillip Salvador, Sam Pinto, at ang anak na si Diego Loyzaga.

Hindi ipinaalam ni Cesar ang role ni Diego sa ka­­nilang pelikula at pinayuhan pa ang bagets na mag-istambay pa sa Sta. Ana, Manila. Sa bahay ng tita niyang si Bing Loyzaga nakatira si Diego dahil malapit sa school niya pero binilhan siya ng Honda Civic car ng ama at binigyan din siguro ng driver dahil hindi pa ito puwedeng mag-drive.

Samantala, hindi pabor si Cesar sa pagkakalipat ng time slot ng Andres de Saya dahil maaapektuhan ang rating pero desisyon daw ng GMA 7 ’yun.

“I didn’t get the logic kung bakit kailangang ilipat. I believe in the show, I have a great respect for the show dahil maganda ang message sa family. Under negotiation ang next season at sana, magkaroon ng second season,” wika ni Cesar.

Derrick walang pakialam sa tunay na ama

Isa lang ang sagot ni Derrick Monasterio sa intrigang isang senador ang kanyang ama, blue passport ang hawak niya. Jamaican-Italian ang ama ng ba­gets at binanggit ang family name niya, hindi namin makuha dahil iba ang tunog.

Hindi bothered si Derrick sa isyu kung sino ang tunay niyang ama, kinondisyon na nito ang sarili na maraming intriga ang darating sa kanya’t isa siya na ibini-build-up ng GMA 7 at GMA Films. Tatlo ang TV shows nito kasama ang Tween Hearts at tatlo ang pelikula this year. Mauunang mag-showing ang Tween Academy: Class of 2012 as Maximo, kasama rin siya sa The Road at sa MMFF entry ng OctoArts Films na My Househusband nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Incidentally, maganda ang ginawa ng GMA Films na ang music video ng soundtrack ng movie ang ginagamit na trailer ng Tween Academy: Class of 2012. Nalamang maganda ang boses ni Lexi Fernandez na kinanta ang Back to December at kuwela ang duet nina Derrick at Kristoffer Martin ng Lazy Song ni Bruno Mars.

Kathryn natakot sa sinabi ni Direk Jerry

Na-pressure sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, mga bida sa Way Back Home ng Star Ci­nema sa sinabi ni Direk Jerry Sineneng na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa kanilang heneras­yon. Kailangang patunayan nga­yon ng dalawa na hindi nagkamali si Direk Jerry sa kanyang paniniwala at tiwala sa kanila.

Sabi ni Kathryn, sa TV isang lipat lang okay na, sa pelikula magbabayad ang tao at kailangang ibahin ang acting. Thankful naman si Julia na nabigyan sila ng chance na mabigyan ng pelikula.

Sa Aug. 17, ang showing ng Way Back Home na homage rin kay AJ Perez na dapat kasama sa movie. 

Survivor may teaser na

May teaser na ang Season 4 ng Survivor Philip­pines at ilalim ng dagat ang ipinakita. Si Richard Gutierrez pa rin ang host nito at may nag-tweet na si Rico Gutierrez ang director, pero ang sabi two weeks lang magdidirek si Direk Rico dahil hindi maiwan ang mga shows sa GMA 7.

Si Direk Rico lang ang magsi-set-up at papalitan na siya ng ibang direktor o baka nagbago ang plano ng GMA 7 at kay Direk Rico na ipahawak ng buo ang Survivor Philippines.

Lumipat sa TV5 ang dating direktor na si Monti Parungao at kundi kami nagkakamali, siya ang nasa Extreme Home Make-Over hosted by Paolo Bediones.

Tama rin ba ang nadinig naming siya ang magdidirek ng remake ng P.S. I Love You?

Show comments