^

PSN Showbiz

Gov. Vi never nagka-interest sa sinalong role ni Nora Aunor

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Dinayo si Gov. Vilma Santos ng movie press at TV talk show staff and crew nung Miyerkules ng tanghali sa opisina niya sa Batangas City.

Nakasalang pa sa meeting ang gobernadora nang dumating kami kaya pinameryenda muna kami bago ang masaganang lunch.

Matapos mananghalian, humarap na si Gov. Vilma at humingi ng paumanhin sa hindi agad pagharap sa dumalaw na press at TV staff. Pakiusap niya lang, huwag intrigahing siya ay nagpatawag ng presscon. “Naiilang nga ako, para akong may pelikula,” tatawa-tawang bungad ng actress-politician

Balita ni Gov., sisimulan na niya ang movie niya with Kim Chiu. May story conference na sila next week at September ang target shooting. Kung hindi man ito makaabot this year, baka early next year na maipalabas.

Hindi natuloy ang movie nila ni Sharon Cuneta dahil hindi magtugma ang schedule nila. Bakit niya tinanggap ’yung kay Kim?

“May commitment talaga ako sa Star Cinema. In fact, modesty aside, may ibang offer. Hindi ko nga matanggap kasi hindi ako puwedeng gumawa ng marami eh.

“The one with Star Cinema is commitment iyon. Three movies iyon eh. Una ’yung Bata, Bata, Paano ka Ginawa? ’Tapos ’yung In My Life at ito ngang kay Kim na dapat kay Sharon. Hindi nga nagtutugma ang schedule namin, naging Kim,” katuwiran ni Ate Vi.

“It came from Star Cinema. Ako gusto ko rin in a way. Kasi at least may kasama akong bagets. Tama ba?”

The Healing ang tentative title ng movie nina Star For All Seasons ng Kapamilya young actress. Isang horror-suspense na ididirek ni Chito Roño.

May project din si Direk Wenn Deramas na pagsasamahan nila ni Eugene Domingo.

“Nasa akin na ang synopsis pero sinabi kong hindi ko na magagawa this year. Intended naman daw iyon next year at cute ng story kung matutuloy,” natutuwang kuwento pa ni Gov. Vi.

Speaking of movies, ano ba talaga ang nangyari sa El Presidente at hindi niya tinanggap?

“Maliit na usapan lang naman ’yon. Na ako ang pinili niya sana na gumanap doon bilang second wife.

“In fact, tinawagan ako noon ni...sino bang tumawag sa akin? Ikaw ba ’yun Jimi (Escala) o Jobert (Sucaldito)? Napag-uusapan sa presscon ’yun. Sabi ko nga, ‘Kelan ’yan?’ Siyempre iyon ang una kong tanong. Within this year daw. Naku malabo! Kasi naka-commit ako sa Star Cinema.

“Kung gagawin ’yan this year, definitely hindi ko magagawa. And I cannot do many films because of my job as governor, kasi at the end of the day, nakikita ninyo, tinitira rin ako,” paliwanag niya sa hindi pagtanggap sa role na napunta kay Nora Aunor.

     

AKO

ATE VI

BATA

BATANGAS CITY

CHITO RO

NIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with