ABS-CBN nangunguna pa rin sa primetime!
MANILA, Philippines - Mas nakatutok ang mga Pilipino sa primetime block (6:00 p.m.-12:00 midnight) ng ABS-CBN kung saan may pinakamaraming manonood at pinakamaraming patalastas na inilalagay ang advertisers.
Ayon sa datos ng Kantar Media, pumalo ang Primetime Bida ng ABS-CBN sa average audience share na 42% o mas mataas ng labing-isang puntos kumpara sa 31% ng GMA.
Pinka-pinapanood na mga programa sa buong bansa ang 100 Days to Heaven tuwing weeknights at Maalaala Mo Kaya naman tuwing weekends, habang TV Patrol pa rin ang nangungunang newscast na pinapanood ng mas nakararaming Pilipino.
Labindalawa sa top 15 na pinakapinapanood na programa natiownide sa Hulyo ay mula sa ABS-CBN. Ito ay ang 100 Days to Heaven 32.5%), Maalaala Mo Kaya (30.2%), TV Patrol (28.5%), Guns and Roses (27.9%), Pilipinas Got Talent (27.5%), Rated K (26.2%), Minsan Lang Kita Iibigin (25%), Wansapanataym (24.8%), You Got Talent 2 (24.2%), Goin Bulilit (22.2%), Gandang Gabi Vice (21.3%), at Mula sa Puso (21%).
Mas marami ring nakinig sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa coverage ng ABS-CBN na nag-rate ng 14.1%.
Samantala, mas lumalakas naman ang Kapamilya Gold sa hapon. Tinalo ng reality show na I Dare You” (13.2%) ang kalaban nitong Gourmet.
Nakatamo ang ABS-CBN ng national TV audience share na 36% sa Hulyo na mas mataas sa 34% ng GMA.
Kilala ang kumpanyang Kantar Media sa pagbibigay ng datos tungkol sa TV ratings. Bukod sa ABS-CBN, may naka-subscribe rin sa kanilang ibang networks, advertising agencies, at pan-regional networks tulad ng NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International.
- Latest