Matitigil na siguro ang mga tsismis tungkol kina
Cesar Montano
at
Rachelle Ann Go.
Mismong si Cesar ang nag-deny na walang katotohanan ang tsismis na nag-uugnay sa kanila ng ex-dyowa ni
John Pratts
. Nagkasama sina Cesar at Rachelle sa show ng
GMA Pinoy TV
sa Vancouver, Canada at nang bumalik sila sa Pilipinas, may mga malicious rumor na tungkol sa kanilang dalawa.
Pinagtawanan lang ni Cesar ang tsismis pero nakaramdam pa rin siya ng hiya kay Rachelle. Ang sey ni Cesar, hindi nakaapekto ang balita sa relasyon nila ng kanyang misis.
Malapit nang maging kapuso ng Star Group of Companies si Cesar dahil magiging weekly columnist na siya sa entertainment section ng Philippine Star.
Boyet at Direk Mario, nag-usap na para sa series
Tuloy na tuloy ang pagsasama nina Christopher de Leon at Nora Aunor sa mini series ng TV5. Si Mario O’Hara ang direktor ng project at nagkausap na sila ni Boyet tungkol sa papel na gagampanan nito.
Mataas ang respeto ni Boyet kay Mario kaya walang dahilan para mag-back out siya, kahit may isang karakter sa mini-series na hindi ko type.
Hindi si Nora ang tinutukoy ko ’no!
Shooting ni Nora dinayo!
Nagsimula kahapon ang shooting ni Nora Aunor para sa EL Presidente.
Dinayo ng mga TV crew ang shooting nila ni Governor ER Ejercito sa Cavite.
Dinayo ng fans ang shooting nang malaman nila na nasa lugar nila si Nora na nag-promise na hindi siya magbibigay ng problema sa shooting ng kanyang comeback movie.
Pacman hindi nagwagi sa Teen Choice Awards
Lost si Papa Manny Pacquiao sa Teen Choice Awards na ginanap kahapon sa California, USA. Nominated si Papa Manny sa Choice Athlete Category na napanalunan ng isang American sports personality na hindi ko kilala.
Hindi man siya nag-win, malaking karangalan kay Manny na ma-nominate siya. At least, nakatulong ang kanyang nomination para makilala siya ng mga bagets sa Amerika.
Si Papa Manny ang kauna-unahang Pinoy athlete na nagkaroon ng nominasyon sa Teen Choice Awards.
In the news kahapon si Papa Manny dahil isinugod uli siya sa Cardinal Santos Medical Center. Sumakit ang tiyan ng Pambansang Kamao dahil sinumpong na naman siya ng acid reflux.
Dati nang sakit ni Manny ang acid reflux na bumabalik kapag nalilipasan siya ng gutom. Ang pananakit ng kanyang tiyan ang dahilan kaya hindi nagkita sina Manny at Maria Aragon nang pumunta ito sa Kongreso para mag-courtesy call sa sikat na Pinoy boxer.
Inaasahan na ngayon ang labas ni Manny sa ospital, ayon na rin sa kanyang mga doktor.
Walang dapat ipag-alala ang fans ng Pambansang Kamao dahil maayos na ang kalagayan niya.