Ayaw magpadala sa intriga ang isang produ sa pangungulit sa kanya tungkol sa pagbabayad sa isa nilang alaga ng dagdag na milyones nang minsang magkaroon ito ng trabaho sa kanila.
Kahit bali-baliktarin ang tanong, hindi kinagat ni Mr. Produ ang pang-iintriga.
Basta hindi raw siya magsasalita dahil wala naman daw siyang sasabihin.
Imbes na siya, ang isa pang boss ang nagkuwento na totoong nagbayad sila. Pero sila raw ang nag-volunteer ng bayad dahil nakakontrata naman ang nasabing talent sa kanila at parang reward daw nila ‘yun.
Yup, ganun daw.
Hmmm, kahit dalawa na silang ayaw magsalita ng anything against sa kanilang talent, hindi makumbinse ang marami.
Meron daw kasi silang kilala na alam ang totoong kuwento ng nasabing additional na milyon sa nakakontrata sa kanilang talent.
Well, basta ang pinatunayan lang ng dalawang big boss ng isang kumpanya, sila ang tipo ng mga tao na hindi madadala o sasabak sa intriga. Kahit dama mo na parang may ibang kuwento, ‘di nila talaga sasabihin sa ‘yo.
Kaya hindi talaga sila puwedeng akusahan o i-quote tungkol sa nasabing intriga.
Georgina Wilson binagayan ng sosyal na programa!
Umeere na sa cable channel – Star World ang programang hino-host ni Georgina Wilson na The Source.
Hindi pang-masa ang magazine show kung saan co-host niya si Cliff Cole.
Mga usapang sosyal at mga mamahaling restaurant, mga in sa Hollywood at kung anu-ano pang kuwento na tiyak na mga sosyal ang makaka-relate sa programa.
Bagay si Georgina sa The Source at magandang-maganda siya kung magdamit. Hindi rin siya nagba-backle though may pagkakataong humihina ang boses niya sa ibang interview.
Sunshine may pinariringgan?
“Respect people’s relationships. There’s so many other fish in the sea, so why mess with one that’s already been caught? - #thenotebook”
Tweet nung minsan ni Sunshine Cruz. Galing pelikulang The Notebook ang nasabing quote.
Nagmalisya ang mga nakabasa. Si Rachelle Ann Go raw kaya ang pinatatamaan dito si Mrs. Cesar Montano?
Ginagawan kasi ng intriga si Rachelle Ann at si Cesar. Sila na raw. Na sabi nga ni Tita Lolit Solis ay mahirap paniwalaan dahil wala sa kalibre ng singer ang papatol sa may asawa’t mga anak.
Unless sobra-sobrang sakit ang nararamdaman niya matapos ang ilang beses na walang nangyaring relasyon sa mga binata – Christian Bautista, Gab Valenciano at pinakahuli si John Prats na I doubt it pa rin.