MANILA, Philippines - Sobra pala ang pagka-epal ng nanay ng isang baguhang young actor. Grabe raw kung makialam ito. Ultimo raw ang ipapareha sa anak na bagets ay dapat ka-level ng anak na pakiramdam daw ni mother ay sikat na.
Demanding din daw si Mother. Kailangan laging bida ang anak sa mga ginagawang project.
Basta magmasid lang daw tayo sa pali-paligid ng isang network at madali nating mahuhulaan kung sino ang mother dear na ito ng young actor na pakialamera.
Kilala kaya ni Nora Aunor ang Tween Stars?
Wondering lang ako. Kilala kaya ni Ate Guy (Nora Aunor) ang mga bagets na artista ng Tween Academy Class of 2012? Or vice versa?
Nahatak daw kasi ni Kuya Germs (German Moreno) ang nagbabalik na superstar na magsuot ng jacket at ‘i-promote’ ang nasabing movie ng GMA Films nang dumalaw ito sa GMA 7 kahapon.
Or alam kaya ni Ate Guy kung anong pelikula ‘yun?
Na-curious lang me!
Asawa ni Cristine, susulutin ng pinsan!
Ang ulirang asawa gagawin ang lahat para sa minamahal. Pero ipaglalaban mo pa rin ba ang karapatan mo sa kanya kahit may mahal na siyang iba?
Sa Martes (Aug 8), humanda sa pagsisimula ng isang mapangahas na kuwento ng pamilya, pag-ibig, at pagtataksil sa hit Taiwanese serye na The Fierce Wife sa umiinit na Kapamilya Gold.
Perpektong maybahay na maituturing si Cristine at wala nang hahanapin pa ang kanyang guwapo at matipunong asawa na si Louie sa kanya.
Magbabago ang takbo ng kanilang buhay sa pagdating ni Me Ann, ang pinsan ni Cristine na mula America. Pansamantala siyang pinatuloy ni Cristine sa kanyang tahanan ngunit lingid sa kanyang kaalaman na may ibang motibo na pala ang kaakit-akit na dalaga habang tumatagal ang pamamalagi nito sa kanila.
Palihim na pala siyang may pagtingin sa mismong asawa ng pinsan niya at dahan-dahan itong dinadarang sa apoy ng tukso.
Bumigay naman kaya si Louie kay Me Ann? Anong kababalaghan ang posible pang mangyari sa ilalim ng iisang bubong na kanilang tinitirahan? Paano tatanggapin ni Cristine na ang kaagaw sa asawa ay sarili niyang kadugo?
Hmmm mukhang nagbabaga ang The Fierce Wife, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Kapamilya Blockbuster sa ABS-CBN.
Gary V. magbi-birthday sa ASAP rocks
Ngayong Linggo, lalong kikinang ang ASAP Rocks stage sa pagsasama ng mga pinaka-maiinit na Kapamilya’s na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual KC Concepcion, Billy Crawford, Pinoy YouTube sensation Maria Aragon at birthday celebrator na si Gary Valenciano.
May shimmering farewell treat naman mula sa cast ng hit serye na Mula sa Puso sa pangunguna nina Ariel Rivera, Eula Valdez, Dawn Zulueta, JM de Guzman, Enrique Gil at Lauren Young.
Ang Primetime Princess na si Erich Gonzales ay kikislap sa kanyang bagong teleserye bilang Maria la del Barrio kasama ang mga hottest new generation leading men ng ASAP na sina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Aaron Villaflor at Enchong Dee.
Nakatutok ang spotlight para sa shining moment nina Erik Santos, Nikki Gil, Karylle, Jem Cubil, Alex Castro, Kenny Padalla, Vincent Bueno, ASAP Sessionistas, ASAP Pinoy Champs Jovit Baldivino, Yeng Constantino at Angeline Quinto.
Splendid na hatawan at showdown naman ang ipapamalas ng Supahdance all-star Jhong Hilario, John Prats, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Iya Villania, Shaina Magdayao, Empress, Robi Domingo, Jessy Mendiola, Bugoy Carino, Campers Champ, Sacha at Brace, Regine Angeles, Kristel Moreno, Sunshine at Maja Salvador.
Kaya huwag palalampasin 12 :15 ng tanghali bukas.