Naikuwento ni Sam Milby kamakailan nang mag-guest siya sa Kris TV na ipinagaya ni Kim Chiu ang style ng kanyang kuwarto. Bakit naman kaya gagayahin ni Kim ang kuwarto ni Sam?
“Lahat ng tao na nakakakita ng kuwarto, natuwa sila. Sa labas mukhang dalawang palapag lang ’yung bahay ko, ’tapos pagpasok ng kuwarto ko high ceiling na dalawang palapag. Natuwa rin ako na natuwa rin si Kim sa style ng bahay ko,” pahayag ni Sam.
Lumabas tuloy ang balitang crush ni Kim ang aktor kaya ipinagaya ng young actress ang bahay ni Sam.
“Si Ate Kris kasi sabi niya, si Kim single rin siya. Gusto ni Kris na ligawan ko siya (Kim). Ang totoo friends naman kami, sina Maja (Salavador) and other friends din. We’ve hang out before mabait si Kim, hinahangaan ko siya. Maganda siya inside and out,” giit pa ni Sam.
Jessy inabsuwelto ang Kimerald
Si Jessy Mendiola na ang bagong ka-love team ngayon ni Gerald Anderson. Magtatambal ang dalawa sa teleseryeng Budoy.
Solid na solid pa rin ang Kimerald fans nina Kim Chiu at Gerald kaya may mga nagsasabi na hindi boto ang ilan sa bagong tambalan nina Gerald at Jessy.
Diumano ay nakakatanggap si Jessy ngayon ng ilang hate mails at negative tweets.
“Merong some na parang nagagalit sila, pero meron ding iba na they are supportive. Hindi naman lahat ng Kimerald ganun. Meron talaga na siguro hindi nila matanggap na magkahiwalay na ’yung love team. I feed bad lang kasi parang ginagawa ko lang naman ’yung trabaho ko. Gusto ko lang i-clear na hindi naman lahat ng Kimerald ganun. ’Yung iba nag-tweet sa akin na hindi, bagay din kayo ni Gerald, very supportive,” masayang kuwento na ni Jessy.
Ayon naman sa isang miyembro ng Kimerald Forever na si Minda, hindi naman galing sa kampo nila ang mga masasamang mensahe na tinutukoy ni Jessy.
“Masasabi ko na hindi galing sa amin ’yun. Mababait kami eh, friendly ang Kimerald Forever fans. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip ng bawat fan. Kami kasi wala namang karapatan na makialam kung sino ang i-partner kay Gerald o i-partner kay Kim kasi fans lang kami,” paglilinaw ni Minda.
Samantala, naniniwala naman sina Kim at Gerald na buo pa rin ang suporta ng kanilang tagahanga kahit may kanya-kanya na silang mga proyekto.
“Alam kong masaya ang Kimerald sa anumang narating namin. Nandiyan lang sila para suportahan ang individual projects namin. Tanggap na nila,” pahayag ni Kim.
“Hindi ko po masasabi na Kimerald po ’yung nagne-nega sa amin kasi ibig sabihin hindi sila sumusuporta kapag iba ’yung partner. ’Yung tunay ni Kimerald, one hundred percent po sila sa pagsuporta,” sagot naman ni Gerald.