Rachelle Ann may asawa't anak ang ipinalit kay John?

Seen : Ang Manila Bay cruise date nina Alden Richards at Sam Pinto noong Huwebes.

Timing na timing ang cruise date sa promo ng Tween Academy ng GMA Films.

Scene : Ayaw paapekto ni Rachelle Ann Go sa mga tsismis na nagli-link sa kanya sa aktor na may asawa at mga anak.

Seen : Hindi natutuwa si German Moreno sa mga tao na nagmamarunong at nakikialam sa mga schedule ni Nora Aunor.

Scene : Ang Twitter joke na “No truth to the rumor that Gloria Arroyo is getting voice therapy so that she can join Nora Aunor in concert singing, “If We Hold on Together.”

Seen : Ramdam na ramdam ang pagkawala ng interes ng mga Pinoy sa Team Azkals simula nang matalo sila sa kanilang huling laban.

Scene : Kinunan kahapon sa ilog ng Pagsanjan, Laguna ang big scene ng Pahiram ng Isang Ina.

Si Joel Lamangan ang direktor ng afternoon soap ng GMA 7.

Favorite location niya ang Pagsanjan.

Seen : Very Robin Padilla at Vina Morales ang pose nina JC De Vera at Jasmine Curtis sa television trailer ng Ang Utol Kong Hoodlum.

Sina Robin at Vina ang mga orihinal na artista ng movie version ng TV show nina JC at Jasmine.

Show comments