Nora Aunor rumampa sa GMA 7
Nag-courtesy call kahapon si Nora Aunor sa mga bossing ng GMA 7 dahil nag-taping siya para sa Walang Tulugan with Master Showman ni Kuya Germs na mapapanood mamayang gabi.
Nagpaunlak ang Superstar na magpakuha ng litrato habang hawak niya ang fans sign na may nakasulat na Tween Academy Class of 2012 na showing sa mga sinehan sa Aug. 24. Ka-join ni Nora sa picture ang mga GMA Films executive, sina Joey Abacan at Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Makakatulong ang endorsement ni Nora para madagdagan ang mga manonood ng unang pelikula ng tween stars ng GMA 7.
Kasali sa cast ng Tween Academy si Jake Vargas, ang anak-anakan ni Kuya Germs. Parang anak na rin ni Nora si Jake dahil alaga ito ni Kuya Germs na very close sa kanya.
Ngayon ang presscon ng El Presidente, ang pelikula na pagtatambalan nina Nora Aunor at Laguna Governor ER Ejercito. Bawal sabihin ang venue at oras or else, tiyak na dudumugin ng mga gaka ang malaking presscon ng pelikula nina Nora at ER.
Ang idaos ang presscon sa mansion ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang original plan ng produ ng El Presidente. Hindi natuloy ang balak dahil hindi agad nabigyan ng permit ang request.
Inilipat ang presscon sa Metro Manila at mas pabor ito sa entertainment press dahil para sa kanila, napakalayo ng Kawit, Cavite pero walang malayo o malapit sa mga gaka.
Invited ako ni Jobert Sucaldito sa El Presidente presscon pero sinabi ko sa kanya na hindi ako makakarating kaya ipadadala na lang niya sa akin ang press kit.
Knows ni Jobert na devoted ko sa Startalk ang araw ng Sabado. Hindi ako tumatanggap ng meeting at iniisnab ko ang presscon kapag Sabado dahil sa Startalk.
Direk Quark pabalik-balik ng bansa
Matagal ang pag-uusap namin kahapon ni Dr. Vicki Belo sa telepono. Kararating lamang kahapon ni Mama Vicki at ni Dr. Hayden Kho, Jr. mula sa Los Angeles, California at Peru.
As usual, maraming kuwento si Mama Vicki sa short vacation nila ni Hayden sa Peru pero nakalimutan kong itanong kung nagpakasal sila roon, gaya ng duda ng mga sumusubaybay sa kanilang love story. Sumusubaybay daw o!
Ipinaalaala sa akin ni Mama Vicki na postponed ang playdate ng Rakenrol ngayong August kaya hindi muna matutuloy ang presscon niya para sa anak na si Quark Henares, ang direktor ng pelikula.
Ang say ni Mama Vicki, ililipat niya sa ibang araw ang presscon dahil na-postpone for Sept. 7 ang showing sa mga sinehan ng Rakenrol.
Ang ibig sabihin, babalik uli si Quark sa Pilipinas mula sa California para maka-attend siya sa presscon.
Pabalik-balik si Quark sa bansa para sa promo ng Rakenrol. Hindi siya puwedeng mag-stay nang matagal sa Pilipinas dahil sa kanyang MBA sa isang sikat na university sa California.
- Latest