Marami rin tanong tungkol sa Bibliya, Solenn hindi pa masyadong bilib sa mga Katoliko
PIK: Nakapirma na si Edgar Allan Guzman ng five-year contract sa Regal Entertainment, Inc.
Masayang-masaya si Edgar Allan sa contract-signing event dahil excited na siyang makagawa ng pelikula sa Regal at masasabing nasa mainstream na siya.
PAK: Itinatanggi naman ni Solenn Heussaff na isa siyang atheist dahil naniniwala naman siyang may Diyos.
“But you know my mom is ultra-Catholic, ang dad ko atheist, so I’m two sides,” paliwanag ni Solenn.
Alam nga niya ang dasal na Hail Mary sa French, English, at German pero hindi niya 100 percent na pinaniniwalaan ang mga ginagawa ng mga Catholic at Christians dahil may mga questions pa siya sa Bibliya na binabasa rin niya.
Napag-usapan namin ’yun ni Solenn nang pinagtalunan namin kung labag ba sa kanyang relihiyon ang ginagawa sa Mind Master.
Guest si Solenn sa Mind Master kamakalawa ng hapon at ayaw sana talaga niyang maniwala sa mind power ni Nomer Lasala. Pero naloka siya dahil lahat ay nahulaan lalo na nung pinapili siya ng lugar na hinding-hindi nito makalimutan.
Nakakagulat ang mga nahulaan sa kanya ni Nomer at kahit siya ay hindi makapaniwala.
Pero sa Linggo, ang episode muna ni Ali Sotto ang mapapanood.
BOOM: Hindi naman itinatanggi ni Jennylyn Mercado na nagkasama sila ni Luis Manzano sa Hong Kong nung nakaraang linggo.
“Yes, nagkita kami dun at nag-dinner pero as in ang dami namin, kung may nakakita man sa amin ang dami namin talaga. Naglalakad kami sa kalsada na ang dami namin,” paulit-ulit na sabi ng aktres.
Okay sila ni Luis bilang magkaibigan pero hanggang dun lang muna dahil hindi pa siya handa sa panibagong relasyon.
Bahagi rin nang pag-move on ’yun pero saka na lang kapag talagang handa na siya.
- Latest