Nag-mellow na!

I knew the Superstar Nora Aunor was coming home. Kaya nga kahit pagod na pagod ako at wala pang tulog ay talagang madaling araw pa lamang ay naghintay na ako sa airport para abangan ang kanyang pagdating. At talagang nasorpresa ako! Ang inaasahan ko na sasalubungin kundi man pagod din ay hindi kasing sigla ng babaeng punung-puno ng kasiyahan na bumaba ng eroplano.

Hindi siya mataba pero nagdagdag siya ng timbang. After being sick for a while, nakakatuwa na makita ko siyang malusog at larawan ng pag-asa.

Later on, inamin niya na malaki ang expectation niya sa gagawin niyang pagtatrabaho rito.

Puno ang airport, hindi niya inaasahan na ganun kaaga ay marami ang gigising para lamang makita siya. She expected a quieter welcome. Pero masaya siya sa salubong na ibinigay sa kanya.

Nag-mellow na si Guy. Sabi nga niya, malaki ang pagbabago niya pero makikita ko lamang ito sa pagdaraan ng mga araw.

Naiiyak ako kapag sinasabi niyang hindi niya ako ipapahiya, na gagawin niya ang lahat para maging worth it ang ginawa ko para maihanap siya ng projects, para may magawa siya sa pag-uwi niya rito. Bonus na lang kung sakali ang pagbabago niya.

What I really want is to keep the superstar busy. Sayang naman ang pagiging superstar niya kung kahit anong project na lang ang makuha niya. But with TV5, she is in good hands. Hindi lamang iginagalang ng Kapatid Network ang kanyang naabot bilang artista, tinitingala rin nila siya bilang isang tao. ‘Yun ang pinakamahalagang naramdaman din ni Guy, ang care and concern ng TV5 kaya agad ay naging kumportable siya.

Antok na antok na ako kaya next time na lang tayo magtsikahan.

Sa rami nang inilinyang fans day ng TV5 para kay Guy, marami pa akong maikukuwento sa inyo.

Sana maisingit din niya sa napaka-higpit niyang sked at ilan pang meeting sa press, na maraming miyembro ay Noranian.

Eugene Domingo nagpapaka-humble

Napaka-humble nitong si Eugene Domingo. Sa kabila ng mga achievements niya bilang isang artista na ang pinaka-latest ay ang pagkakatanghal sa kanya bilang best actress sa Cinemalaya Filmfest, sinabi nitong ayaw niyang isipin  na arrived na siya, mas gusto niyang isipin na struggling pa rin siya para mas mapaganda pa niya ang mga roles na ibibigay sa kanya.

Kahit iniintriga siya kay AiAi delas Alas, sinabi niyang anytime na kailangan nito na magkasama sila, okay lang sa kanya na suportahan ito. Bukod sa pagi­ging artista nila pareho, mas nananaig sa kanya ang pagiging magkaibigan nila.

Walang intriga at kontrobersiya ang magpapa­bago nito. At wala rin siyang masamang inisip kapag sinasabi niyang sa kabila ng tagumpay niya bilang isang komedyante, gusto niyang makilala bilang isa ring aktres.

Aga pinaka-poging lolo sa Pilipinas

Si Aga Muhlach na marahil ang maituturing kong pinaka-guwapong lolo sa Pilipinas. Huwag ikakagalit ni Bong (Revilla) pero sa itsura ni Aga na mukhang batam-bata pa hanggang ngayon, walang magsasabing may apo na ito.

Pero may anak na ang panganay niya kay Jani­ce de Belen na si Luigi na isa nang certified chef ngayon. Very proud si Morning sa kanyang panganay dahil responsableng family man na ito.

Guy naging isang mabuting ina

Ang pinakahihintay-hintay kong maganap ay ang reunion ni Nora with her children  Ian, Lotlot, Matet, Kiko, and Kenneth. Ikukuwento ko sa inyo ang magiging kaganapan dito kung suswertihin akong maimbita sa kanilang pagsasama-sama, at kung papayagan ako ng pamilya. Kung hindi, sensiya na lang dahil totoo namang napaka-personal na bagay ito. Ibigay na lang natin sa kanila.

Kahit matagal na sa US si Guy, in touch pa rin siya sa mga anak niya, paminsan-minsan kung may hinihiling sila sa kanya, kung makakaya niya, ibinibigay niya. Si Kenneth, pinadalhan niya ng cell phone.

Ewan ko kung ano ang magiging epekto ng mu­ling pagsasama-sama nilang mag-iina. Sa kabila ng mga sinasabing “kasalanan” ni Guy masasabi kong naging  isa siyang mabuting ina.

                                       

Show comments