LOS ANGELES — Matutuwa ang mga fans ni Jennifer Lopez, babalik ang Latina sa American Idol!
Tama, babalik sa sikat na singing competition ang singer-dancer-actress bilang judge sa loob ng isa pang taon sa ilalim ng kontrata ($20M) sa Fox Broadcasting Network.
Sinasabing tumaas na ang talent fee ni J. Lo mula sa $12 million na nakuha sa last season. Isa lang ang problema, ang schedule ng sexy Idol judge. May two major productions kasing pinagkakaabalahan ang kahihihiwalay lang na pop star — ang romantic dramedy na What to Expect When You’re Expecting na ilalabas sa May 2012 at ang thriller na Parker na nasa pre-production. Maaaring makaapekto ito sa mga audition dates para sa upcoming season ng American Idol.
Ang muling pagpirma ng kontrata sa Fox ay taliwas sa naunang interbyu niya sa BBC channel na nag-aalinlangan pa siya sa singing contest. “We’re not really at the breaking point of ‘You have to make a decision right now!’ So I’m not. I’m really enjoying the time of just waiting — and seeing,” sabi ni Jennifer.
Ayon din sa impormasyon ng TheWrap, kumpirmado na itutuloy ni J. Lo ang talent-search series na Q’Viva! na magtatampok sa kanila ng ex-husband na si Marc Anthony. Ang serye ay co-created at co-executive-produced ng dating mag-asawa kasama ang American Idol producers na sina Simon Fuller at Jamie King.