MANILA, Philippines - Nanalo ang ABS-CBN ng Asia’s Best Employer Brand Award bilang pagkilala sa pagiging isang mahusay nitong employer na nagtataguyod sa kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapatupad ng mga patakaran, at pagbabagong mangangalaga at susulong sa interes ng mga ito.
Napili ang ABS-CBN ng mga hurado matapos irekomenda ito ng isang malayang koponan ng mga propesyonal sa Asya.
Wagi naman ng Woman Super Achiever Award si ABS-CBN president and chief operating officer na si Charo Santos-Concio. Ang naturang parangal ay iginagawad sa mga natatanging kababaihan na nagpapakita ng mahusay na pamumuno at pamamahala ng isang organisasyon, pagpapatupad ng pagbabago at pagbubunga ng positibong resulta.
Ang Asia’s Best Employer Brand at Women Super Achiever awards ay ibinigay ng Employer Branding Institute, World HRD Congress, Stars of the Industry Group, at CMO Asia. Ginanap ang awarding cermonies sa SUNTEC Singapore International Convention and Exhibition Centre noong July 22.
Sina Charo at ABS-CBN corporate communications head na si Bong Osorio ang dumalo sa naturang event.