MANILA, Philippines - Simula August 1, may hatid na pirate action ang GMA 7 dahil muli nitong ipapalabas ang cartoon series na One Piece tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes at kasama pati Linggo.
Ang One Piece ay isang anime tungkol sa batang si Monkey D. Luffy at sa kanyang pangarap na maging ang susunod na Pirate King.
Upang matupad ito, kailangang makuha niya ang hidden treasure ni Gold Roger, ang dating Pirate King. Mula nang namatay ang tanyag na pirata, wala nang nakakita pa sa kayamanang ito na kilala sa tawag na One Piece.
Ngayon, makikipagtunggali si Luffy upang maunahan ang ibang pirata sa One Piece. Paano kaya niya ito gagawin kung wala siyang sariling barko at kasama sa paglalakbay?
Buti na lang, mayroong mala-gomang katawan si Luffy na nakuha niya nang kainin niya ang isang misteryosong prutas. Sa pamamagitan ng determinasyon at ng magandang pananaw sa buhay, lalakbayin niya kahit ang malalayong dagat!
Samahan si Luffy sa pagtupad sa kanyang pangarap at sa pagkilala ng mga kaibigan sa mundo ng mga pirata.
Simula Lunes pagkatapos ng Detective Conan Lunes hanggang Biyernes at tuwing Linggo pagkatapos ng Pokemon sa GMA 7.