Alagang actress ng Kapamilya at Kapuso instant close dahil sa kani-kanilang bf
Sabi na nga ba’t may malaking dahilan kung bakit biglang naging close friends ang Kapamilya actress at Kapuso actress at hindi lang dahil favorite nila pareho ang Bubble Tea.
Friend pala ni Kapamilya actress ang Kapamilya actor na nanliligaw kay Kapuso actress. On the oher hand, friend naman ni Kapuso actress si Kapuso actor na nali-link kay Kapamilya actress, kaya ang feeling namin, nagsisilbing tulay ng isa’t isa sina Kapamilya actress at Kapuso actress.
Pareho ring hindi mailantad ng dalawang dilag ang kanilang love life dahil may ibang bini-build-up na ka-love team ang kanilang mga love, kaya patago ang pagkikita ng dalawang pareha ng lovers.
Ang saya-saya ng love life ng mga bagets!
Nora Aunor sasabak agad sa trabaho pagdating
Agad palang haharap sa press si Nora Aunor pagdating sa August 2 dahil deretso agad siya sa presscon na inihahanda ng TV5.
Sa Aug. 4, naka-schedule ang fans’ day ni Nora para makipagkita sa loyal fans niya na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Naghahanap pa rin ng right venue para sa okasyong ito.
Ryza dedma kahit hindi na makaahon sa pagiging suporta lang
Bagay kay Ryza Cenon ang short hairdo na sumakto naman sa role niyang pole dancer sa Time of My Life. Nag-aral siya ng pole dancing kay Ciara Sotto and after three weeks, marunong na siya ng basics, nakakatuwad at nakakasipa na siya.
Iisa ang sagot ni Ryza sa tanong na anong feeling niya na mas bida sa kanya sa danserye si Kris Bernal, gayung mas nauna siyang nanalo sa Starstruck.
“Okey lang ‘yun, dedma. Trabaho ito at gagawin ko ang trabaho. Promise, ibang Ryza ang mapapanood ninyo rito kesa sa ginawa ko sa Machete. Kung nang-aaway ako roon, dito tagapagtanggol ako ng karakter ni Kris,” kuwento ni Ryza.
Hindi napi-feel ni Ryza na demoted siya rito dahil hindi siya bida sa paniwalang hindi makikilala ang bida kung walang support. Lalong hindi siya nagtatampo dahil hindi niya tatanggapin ang role ni Rochelle na best friend ni Shane (Kris) kung may tampo siya sa GMA 7.
Masaya na rin si Ryza dahil magkasama sila ni LJ Reyes, one of her closest friends in showbiz, pero mas masaya raw sila ni LJ, kung narito rin si Chynna Ortaleza.
Ligo na u… ire-release ng regal
Ang Regal Films ang magre-release sa indie film na Ligo na U, Lapit Na Me na isa sa box-office hit sa Cinemalaya. Sa August 17, ang playdate ng movie at birthday presentation ni Mother Lily Monteverde at support din ng lady producer sa new filmmakers.
- Latest