Azkals T-shirt hindi na nabebenta

Seen : No reaction ang mga tao sa isyu ng pagbabati nina Gretchen at Claudine Barretto.

Sanay na sila sa away-bati ng The Sisters.

Scene : Hindi nakatulong kay Krista Kleiner ang beauty title na kanyang napalunan noong nakaraang taon.

Hindi nag-take off ang kanyang showbiz career.

Seen : Ang corrected poster ng birthday concert ni Ogie Alcasid sa August 23.

Burado na ang logo ng ABS-CBN sa poster bilang TV partner ng birthday concert.

Scene : Ang pilot taping kahapon ng Pahiram ng Isang Ina sa Makati Medical Center.

Ang Pahiram ng Isang Ina ang new afternoon drama show ng GMA 7 na magsisimula sa August 15.

Seen : Wala nang bumibili ng Azkals t-shirts sa Greenhills Tiangge mula nang matalo sila sa kanilang laban noong Huwebes.

Ibinebenta sa halagang P200 ang Azkals t-shirts.

Scene : Kasado na ang presscon ng TV5 para kay Nora Aunor, ilang oras matapos ang pagdating niya sa Pilipinas sa August 2.

Seen : Babae ang second baby nina Sherilyn Reyes at Chris Tan.

Via caesarian section ang pagsisilang ni Sherilyn noong July 23.

Show comments