^

PSN Showbiz

Angeline Quinto gusto agad manapaw!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay marami na pala ang nakakapansin sa sobrang pagbirit ni Angeline Quinto na parang kopyang-kopya kay Regine Velasquez.

Todu-todo ang energy niya tuwing napapanood na kumakanta.

Ang kaso, ang say ng mga kritiko, hindi pa pulido ang boses ni Angeline. Kailangan pa niyang mahasa nang husto, bago tuluyang masabing isa siyang magaling na singer. Hindi pa siya puwedeng i-level sa magagaling na singers ng ASAP Rocks na tulad nina Martin Nievera, Sarah Geronimo and Zsa Zsa Padilla.

Wala pa raw siya sa kalingkingan ng mga na­banggit na singer kaya itigil muna ang ilusyon ng mga nagsasabing siya na ang susunod na superstar.

Ayaw daw kasing kakanta ng mga mababa itong si Angeline at laging gusto, biritan.

At ang the height, gusto raw kasi nitong talbugan lahat ng nakakasama niya tulad nang ginawa niya last Sunday sa ASAP Rocks kung saan inihilera siya kina Martin, Zsa Zsa and Sarah sa isang production number. Nang siya na ang kakanta, mataas pa yata sa Eiffel tower ang banat niya. Kaya hindi nag-blend. Ayun, lumabas na trying hard ang pagkakakanta niya.

Naku ineng, hindi kaya mapatiran ka niyan ng litid sa sobrang birit?

‘Di gumagamit ng hand cream kamay ng aktres kulubot

Kulubot na ang hitsura ng mga kamay ng isang actress na kitang-kita sa pictorial niya sa isang magazine. Kaya tuloy duda ang ilang mga nakakita sa naturang kamay ng actress, mas matanda pa sa sinasabi nito ang totoo niyang edad.

Ang hitsura raw kasi ng kamay ang isa sa mga dapat tingnan sa mga artista para mabuking ang totoong edad.

Actually.

Bakit kasi hindi gumamit ng hand cream ang actress na ito. Ang dami-daming nabibiling mamahaling hand cream ngayon na siguradong magpa­pabata sa hitsura ng mga kamay niya.

Actress wala naman palang offer sa ibang channel?

Parang nagiging habit na raw ng kampo ng actress na alaga ng isang network na pag wala siyang trabaho, magkukunyari ay may offer sa kanilang kampo ang kalabang network. Napi-press release na kunwari ay reliable at pag lumabas na, deny to death na sila. Wala naman daw.

Ilang beses nang may ganitong kuwento sa actress ayon sa source, pero ang ending, laging napipigilan ng kanyang home studio sa paniwalang kinukuha ng kalabang network ang alaga nila.

Hmmm, dapat daw mag-iba naman ng style ang kampo ng actress na hindi naman gaanong sikat.

Or kung gusto nilang lumipat, go.

Baka nga naman doon, magka-future ang career niya.

Mukhang may nabago?

Parang may kakaiba sa hitsura ni Claudine Barretto nang iere ang interview sa kanya ni Tito Ricky Lo sa Startalk kahapon.

Although, parang pumayat na siya pero parang may nabago naman sa ilong ng aktres na visible na ngayon sa mga interview dahil nagpa-interview din siya ng siyam na oras sa Star Studio magazine.

Saka parang hindi siya masyadong nakaayos sa nasabing interview. Oh why oh why kaya?

Napagkamalan din siya ng isa kong kaopisina na si Mickey Ferriols sa unang tingin sa kanya.

ACTRESS

CLAUDINE BARRETTO

KAYA

MARTIN NIEVERA

MICKEY FERRIOLS

NIYA

REGINE VELASQUEZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with