Pinabibilib talaga ako nina Enchong Dee at Erich Gonzales! Sa tagal ng kanilang pagtatambal at sa tagumpay ng kanilang love team, mahirap talagang paniwalaan na wala silang damdamin sa isa’t isa. Bukod sa pagkakaibigan ay walang relasyon na namamagitan sa kanila. Ganun ba sila katotoo sa pangakong binitawan nila na hindi sila ma-i-in love sa isa’t isa?
Wala ba silang damdamin na maaaring madarang sa marami nilang eksenang halikan? In some there were more than lip service, lalo na dun sa isang pelikula where they were preparing for a wedding. Pero no dice talaga, hindi sila naaapektuhan. Bunga ba ’yun ng pangakong binitawan nila? O baka naman talagang hindi tumitibok ang puso nila para sa isa’t isa?
Ngayon, muli na naman silang sasalang sa isang pagsubok. Unlike their previous team-ups, mas romantic ang Maria La Del Barrio. Sabi nga ng mga nakapanood ng trailer nito, masyado namang maraming kissing scenes. Ayon sa mga direktor ng serye, kakaunti pa ito dahil kasisimula pa lamang nilang mag-taping. Baka mas dumami pa ito at magkaroon pa ng more intimate scenes. Tulad ng iba pang serye ni Thalia, sexy ang Maria La Del Barrio. But how intimate can an early evening series get, not much, ’di ba?
Pero hindi at never naman naging problema ng magkapareha ang mga kissing o intimate scenes. Komportable sila sa mga ganitong eksena, wala silang ilangan.
Mapapanood ang Maria La Del Barrio simula sa Agosto 15.
Katya Santos anim na buwang puro saging at oatmeal ang kinain
Ang ganda-ganda ngayon ni Katya Santos! Nagmukha siyang batang-bata sa bago niyang timbang. Hindi na siya alanganing itapat maging kay Erich Gonzales na sinusuportahan niya sa Maria La Del Barrio. Parang magkasing-bata lang sila gayung inaamin ni Katya na turning 30 na siya!
Sinasabi ng dating Viva Hot Babe na resulta ang kanyang bagong pangangatawan ng anim na buwang walang humpay na pagkain ng saging at oatmeal lamang. Talagang pinangangatawanan niya ang pagpapapayat para makapag-concentrate siya sa kanyang pag-aartista. Focused siya ngayon to the point na pati love life niya ay walang kulay at buhay. Katuwiran niya, may maganda namang nangyari sa pagiging single niya at pagiging stressed at depressed, pumayat siya. Kung may darating na love life, darating ito kahit hindi siya maghanap.
Reklamo sa SLEX
Mahihirapan na akong pasyalan ang panganay ko at ang pamilya niya sa Cabuyao, Laguna. Bukod sa tumaas ang halaga ng gasolina, itinaas pa ang halaga ng toll sa mga dumaraan sa South Luzon Expressway o SLEX.
Marami naman ang gumagamit ng SLEX. Sa kasalukuyang sinisingil na toll fee, malaki na ang kita ng provider ng SLEX, bakit dinagdagan pa? At parang hindi maganda ’yung sagot sa maraming pagtatanong na maging si Presidente Noynoy Aquino ay walang magagawa pa rito, aprubado na ang toll hike.
Kung pupunta ako ng Cabuyao, kailangan may pera ako na hindi bababa sa P1,500. Mga P800 ang gastos sa gasolina, P400 sa toll, at P600 sa driver. Kung akong may kaunting kita na ay nagrereklamo sa halaga na magagamit sa pagpunta ng Cabuyao, Laguna, eh mas lalo na ’yung mahihirap!
Dating indie direktor natutulala kay Direk Rory
Natatawa si Rory V. Quintos na ang co-director niya sa Maria La Del Barrio na si Richard Somes ay fan niya. Katunayan hanggang ngayong magkasama na sila sa serye ay starstruck pa rin ito sa kanya. Madalas natutulala ito kahit nagtatrabaho na sila.
Appreciated ni Direk Rory ang malaking tulong ng direktor na unang nakilala sa mga indie o digital films. Hindi niya kakayaning mag-isa ang pagdidirek ng Maria La Del Barrio. Sa tulong ni Richard, napapadali ang trabaho nila. Marami itong inputs. Hindi kataka-taka na mapunta ito sa mainstream dahil talagang magaling ang kanyang kasama na identified sa horror films pero ang tipo ay gumawa ng drama. Bago ang Maria… idinirek ni Richard ang matagumpay na Imortal nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.
Aleck Bovic binabalikan ang pag-arte
Hanggang saan nga ba ang pagkakapareho ng isang kambal?
Ito ang tatalakayin ng No. 1 program nationwide na Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Tunay ng kuwento nina Edison at Eric. Isang kambal na magkamukhang-magkamukha pero ang kanilang kalooban ay may kanya-kanyang landas na tinatahak.
Sa panulat ni Raz dela Torre at sa direksiyon ni Dado Lumibao, panoorin ang totoong kuwento na ito na gagampanan nina Carl John Barrameda at Maliksi Morales.
Bukod kina Carl at Maliksi, kasama pa rin sina Aleck Bovic na binabalikan ang kanyang pag-aartista.