Magkakaroon na ng commercial exhibition ang indie film na Ang Babae sa Septic Tank matapos pumatok sa katatapos na 7th Cinemalaya Film Festival.
Yup, ire-release ito ng Star Cinema sa more than 40 theaters.
Bukod sa pinilahan ito sa Cinemalaya, limang major award din ang hinakot nito kasama na ang best actress trophy para sa bida ng pelikula na si Eugene Domingo.
Pero wala palang talent fee si Eugene dito though balewala naman sa kanya dahil mas nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng chance na gawin ang pelikula.
Actually, nalagay pa sa panganib ang buhay niya rito - nang ma-out of balance siya sa septic tank at tumama ang ulo sa isang side nito.
“After the shoot, isinugod ako sa ER pero nahihiya akong sabihin na nahulog ako sa septic tank,” she recalled.
Ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo ang producer ng pelikula kasama ang Martinez-Rivera Films at Straight Shooters Media.
Pramis ni Atty. Joji, mababayaran na si Eugene.
Balitang sasagutin na nito ang trip to New York ng komedyana na malaki na ang ipinayat. “Pero nang mag-compute sila, hanggang Hong Kong lang ang kaya,” sabay tawa na kuwento ni Eugene kahapon sa presscon para sa nasabing pelikula na halos yata nang nag-attend sa Cinemalaya ay napanood ang pelikulang ito. Ayon kasi kay Eugene ang Cinemalaya ngayong taon ang pinakamaraming nanood. Sa bilang ng organizer, 53,000 ang nag-attend.
Ang komedya at parody na nagbabato ng malamang biro sa mundo ng independent film-making ay nagwagi rin ng apat pang pangunahing trophy – Best Director para kay Marlon Rivera, Best Screenplay para kay Chris Martinez (na siya ring nag-direk ng blockbuster na Here Comes The Bride at sumulat ng Kimmy Dora), Audience Choice Award at ng pinaka-gustong masungkit ng mga kasaling pelikula ng Cinemalaya – ang Best Film.
Sinabi rin ni Eugene na magandang birthday gift ang nasabing award. Uy, 40 years old na si Eugene at nagwi-wish siyang magka-dyowa na.
Kung ang ibang 40 years old ay nahihirapan nang magpapayat dahil pag nasa ganitong edad ay mabagal na raw ang metabolism, iba ang kaso ng komedyana.
Anyway, mapapanood natin sa pelikula ang kuwento ng mga kabataang nag-aambisyong gumawa ng pelikula para makarating sa Oscars.
Oo! Oscar Award!
Magsisimula itong mapanood sa mga sinehan sa August 3.
Nag-adjust para sa time...
Nag-adjust ng programming sa gabi ang GMA 7 sa pagpasok ng dance-serye nilang Time of My Life.
Itinaas ang Amaya, susundan ng Munting Heredera at ang Time of My Life ang sunod na magsisimula sa August 1, Lunes.
Tampok dito sina Kris Bernal, Rocco Nacino at Mark Herras. Dapat ding abangan ang seasoned actors na sina Jean Garcia, Raymond Bagatsing at Cherie Gil na magpapakitang-gilas sa pagsasayaw.
Puno raw sa mga nakakamanghang dance at drama scenes ang danserye na tungkol sa pag-abot ni Shane (Kris) sa kanyang pangarap na maging magaling na dancer. Unti-unti niyang mauungkat ang mga lihim ng nakaraan habang tinutuklas ang larangang nais pasukin.
Katuwang ni Shane sa pag-abot ng pangarap ang dalawang lalaking umiibig sa kanya: si Jason (Rocco), ang kanyang kababata ; at si Patrick (Mark), kaibigan ni Jason at founder ng Motion Masters dance group.
Kakumpetensiya nila ang Elite Crew na pinamumunuan naman ni Zaira (LJ Reyes), ang protégé at stepdaughter ng sikat na dancing queen na si Lisa (Jean).
Isang kuwento rin daw ito tungkol sa pamilya, pag-ibig at pangarap.
Kasama rin sa cast sina: Ms. Caridad Sanchez, Rez Cortez, Geleen Eugenio, Joshua Zamora, at Ronnie Henares.
Parehong pumayat sina Mark at Kris dito dahil kailangan nila karerin ang pagsayaw.
Original concept ito ng GMA 7.