Hindi pa rin makakapagpahinga si Lovi Poe kahit tapos na this Friday ang Captain Barbell dahil sunud-sunod ang ginagawa niyang pelikula. After My Neighbor’s Wife na September daw ang playdate, sisimulan niya sa Regal Films pa rin ang remake ng Aswang na unang ginawa ni Alma Moreno at may Aswang Chronicles pa sila ni Dingdong Dantes na next year naman ang playdate.
Gusto ni Lovi na matapos sa schedule ang four-bedroom and three-storey house na ipinapatayo. By next year, dapat daw tapos na ang bahay para makalipat na sila at kailangan niya ng malaking halaga para matapos ang bahay.
Kapag natapos ang bahay, ipagmamalaki niyang galing ito sa puyat, pagod at pawis at pagiging masipag, siyempre!
Claudine kabado sa kanyang primetime show
May kissing scene sina Claudine Barretto at Marvin Agustin sa Iglot at magkakaanak pa sila. Kaya tinanong ang aktres kung okey lang ba sa husband niyang si Raymart Santiago na may kissing scene siya?
“Okey naman sa kanya, siguro na-train siya. Bago kami ikasal, nag-usap na kami na ‘pag dumating ang mga ganitong eksena at role, gusto kong maging aktres,” ani Claudine.
Ngayon lang magkakaroon ng primetime show si Claudine, kaya kabado at nadagdagan ang kaba nang malamang ‘pag umere sila sa August 29, after 24 Oras sila ilalagay.
Enzo nainip kay Sarah
Ang naudlot na panliligaw ni Enzo Pineda ang isa sa mga itinanong kay Sarah Lahbati sa presscon ng Time of My Life. Open na kasi sina Enzo at Louise delos Reyes sa kanilang relasyon, samantalang walang nababalitaang love life kay Sarah.
Ang hula ng press, nainip si Enzo sa paghihintay kay Sarah, kaya nabaling ang pagtingin nito kay Louise. Pero kung naghintay ito, may chance na sasagutin siya ng yes ni Sarah.
Nalungkot ba siya na tumigil si Enzo nang panliligaw sa kanya?
“Nalungkot ako dahil hindi na kami masyadong nagkikita, pero nakikita ko namang happy siya kay Louise, so okay na ‘yun. That time kasi, career ang focus ko at ayaw ko munang magka-love life, happy na ako na friends pa rin naman kami, madalang na nga lang kaming magkita.
Kontrabida rin si Sarah sa Time of My Life at sabi nito, no choice siya dahil nang sabihin sa kanya ang role, magsisimula na ang taping. Pero hindi siya nagrereklamo, kinakabahan lang dahil halos lahat ng eksena niya’y galit siya, “para akong laging may regla,” sabi ni Sarah na ikinatawa namin.
Kristoffer dumarami na ang kita
Tuwang-tuwa si Kristoffer Martin na kasama siya sa bagong episode ng Spooky Nights presents…Ang Bahay Ni Lolo (kundi babaguhin ang title) dahil dagdag na income ito sa kanya.
Pumapasok ang young actor sa San Beda at tinutulungan ang pamilya sa Olongapo, mas maganda nga naman kung may dagdag siyang kita.
Kasama sa episode ng Spooky Nights sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes at Jake Vargas.